^

PSN Opinyon

Global competitiveness

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SANA nga ay marating na ng ating bansa ang tinatawag na global competitiveness sa larangan ng negosyo. Ibig sabihin, ang mga kalakal na ginagawa natin ay maihahanay na at puwedeng makipag-kompitensya sa ibang bansa.

Iyan ang inaasam kahit ng pinaka-ordinaryong Pilipino. Kaya dapat ding maghinayhinay si Presidente Duterte sa kanyang matatalas na pananalita laban sa mga bansang makatutulong sa atin para umunlad ang kabuhayan.  Alam niyo na ang ibig kong sabihin. Hindi kasi marendahan ng Pangulo ang matalas na dila. Mangangakong hindi na magmumura, maya-maya, hayun na naman ang kanyang mga “unprintables.”

Sinimulan na ng House committee on trade and indus­try sa pamumuno ni Iloilo Rep. Ferjenel G. Biron ang pagdinig sa mga reporma  para tukuyin ang mga prayoridad na magpapasigla sa pamumuhunan at magsusulong ng global competitiveness ng bansa.

 Sa mga nakalipas na taon, ang komite ay tumulong sa pagbalangkas ng mga batas na nakatulong ng malaki sa mga negosyo sa bansa na nagbigay ng pansin sa kapakanan at proteksyon ng mga consumer. Sinabi ni Biron na  kinikilala ng komite ang papel ng kalakalan at industriya bilang mahalagang sangkap ng pambansang kaunlaran ng ekonomiya.

 Aniya “Free trade and commerce, and a robust level of industry enable businesses to grow, ensure an unimpeded movement of goods and services, encourage investments, create employment and livelihood opportunities, generate revenue for the government, and improve the welfare of the citizens, thus playing an important part in reducing poverty and help the  country reach its development goals”, diin ng Iloilo solon. 

Ani Biron na napagkasunduan sa inisyal na pagpupulong ng komite na ipagpatuloy ang mga inisyatibong pang-lehislatibo, panatilihin ang suporta sa micro, small at medium scale business enterprises, pag-ibayuhin ang consumer rights at welfare at maging katulong ng ehekutibo sa paggamit ng oversight function ng kongreso sa pagsusulong ng mabuting pamamahala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with