^

PSN Opinyon

Kinasuhan na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KINASUHAN na ng NBI si Supt. Marvin Marcos ng CIDG-8, pati ang kanyang mga tahuan na nagsilbi ng search warrant kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. Napatay si Espinosa sa sinasabing “shootout”. Pero iba ang paniniwala ng NBI, pati nang marami, na planado ang ginawang pagsalakay kay Espinosa. Mga kasong murder, robbery, malicious procurement of search warrant, perjury, and planting of evidence ang isasampa sa kanila, batay sa imbestigasyon na ginawa ng NBI.

Nalaman din sa Senado na ibinalik sa trabaho si Marcos, sa loob ng parehong araw nang sibakin siya ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa. Inamin na ni Pres. Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos na ibalik si Marcos sa tungkulin, dahil may ginagawa raw siyang imbestigasyon sa kanya. Gaano ba kalakas si Marcos­ kay Duterte? Sino ang nagpaalam kay Duterte na sinibak si Marcos, para utusan niya kaagad si Dela Rosa na ibalik siya sa trabaho? Sabi ni Dela Rosa, hindi pangkaraniwan ang nangyari, pero sino ba raw siya para kuwestiyunin ang Presidente. Lumalabas din na walang saysay ang sinasabing “for humanitarian­ reasons” na dahilan ni Dela Rosa kaya ibinalik sa trabaho si Marcos, kundi dahil inutusan nga siya. Malinaw na kahit ano, gagawin ni Dela Rosa kapag utos ni Duterte. Kaya ano na ang kredibilidad ni Dela Rosa ngayon sa taumbayan? O wala rin siyang pananagutan sa taumbayan, kundi sa Palasyo lang?

Nagpahayag na rin si Duterte na hindi niya kaila­ngang magpaliwanag kaninuman sa ginawa niyang pag-utos na ibalik si Marcos sa trabaho. Lumalabas na wala siyang pananagutan sa kahit anong gawin niya. Kapag sinabi niya, gawin. Siyempre sunod naman si Dela Rosa. Ano naman kaya ang mangyayari ngayong kinasuhan na ng NBI si Marcos at kanyang mga tauhan? Anong utos naman kaya ang manggagaling sa Palasyo hinggil sa kasong ito? Tandaan na naniniwala pa rin si Duterte sa bersiyon ng mga CIDG-8. Tila walang saysay sa kanya na sinasangkot din si Marcos sa iligal na droga, na siya raw mismo ang nag-iimbestiga?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with