^

PSN Opinyon

Ang multo ng martial law

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

LAGING pulutan sa diskusyon ngayon ang posibilidad ng pagbabalik ng martial law. Nakadagdag pa sa hysteria ang paglilibing kay President Marcos sa Libi­ngan ng mga Bayani.

Sa isang malaya at demokratikong bansa, ang kapangyarihan ng gobyerno ay pinamahagi sa Exe­cutive, Legislative at Judicial departments para iwas abuso. Sa kabila nito ay nariyan pa rin sa Saligang Batas ang martial law power na nirereserba tuwing kakailanganing ipagtanggol ang estado laban sa mga nais sumira dito. Para itong self defense mechanism.

Sa 1987 Constitution, hindi suspendido ang Hudikatura at Lehislatura oras na idineklara ang martial law. Ang pinakasentral na ideya ay ang i-asa sa mga sundalo ang trabahong hindi na kayang gampanan ng ating sibilyang gobyerno. At ang opisinang mamamahala rito ay ang Presidente. Kapag may martial law na, ang mga karaniwang limitasyon sa kapangyarihan ng ehekutibo ay pansamantalang naglalaho. Dahil sa peligrong kailangang harapin, binibigay dito ang kaila­ngang puwersa upang maitupad ang misyong ipagtanggol ang estado.

Kapag ito’y abusuhin, alam na natin kung saan tayo pupulutin. Kaya bilang na bilang ang kondisyon na pwede ideklara ang martial law. Tanging sa pagkakataon ng (1) foreign invasion at (2) rebelyon.Hindi na kailangang pag-usapan pa ang ibang limitasyon sa martial law power. Sapat nang sabihin na wala namang invasion o rebellion na nagaganap sa ngayon kung kaya walang dahilang matakot sa multo ng martial law.

Ang akala nang marami, noong 1972 ang huling beses dineklara ang martial law. Ang tunay na last experience natin ay noong 2009 nang ito’y ipatupad sa Maguindanao pagkatapos ng Ampatuan massacre. Tumagal din ng ilang araw ang deklarasyon ni dating Pres. Gloria Macapagal-Arroyo bago ito tuluyang bawiin. Hindi na rin ito napagpasyahan ng hukuman.

Ang martial law ay option na mahalaga para masigurong may reserbang sandata ang estado laban sa mga nais humamak ito. Hindi masisisi ang lipunan kung mag-alala dahil sa sariwang alaala ng naunang trauma noong 1972. Subalit hindi ang kapangyarihan mismo kung hindi ang pag-abuso nito ang dapat ikatakot.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with