^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kampanya ng DOH laban sa paputok

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kampanya ng DOH laban sa paputok

NOONG selebrasyon ng New Year 2016, umabot sa 384 ang naputukan at nasugatan dahil sa pagpapaputok ng rebentador, piccolo, kuwitis, five-star, Judas belt, higad, Bin Laden at iba pa. Mas mataas ang bilang na ito kaysa sa mga naputukan noong 2015 na umabot sa 351. Sa selebrasyon ngayong New Year 2017, inaasahang marami na naman ang mapuputukan sapagkat hindi pa lubusang ipinagbabawal ang paputok. Sa kabila na marami nang trahedya sa mga pagawaan ng paputok sa Bulacan at may namatay, patuloy pa rin ang produksiyon. Dalawang pagsabog na ang naganap sa Bulacan noong nakaraang buwan at may mga namatay.

Pero ang sabi ng Department of Health (DOH) magkakaroon sila ng kampanya upang maiwasan ang firecracker injuries sa pagsalubong sa Bagong Taon. Isa sa mga naiisip ni DOH Sec. Paulyn Jean Ubial ay ang pagkakaroon ng community fireworks display kung saan dito lamang magsasagawa ng pagpapailaw ang mga residente. Sa ganitong paraan maiiwasan ang pagpapaputok na nagiging dahilan ng pagkaputol ng daliri o pagkabulag.

Noong bisperas ng Bagong Taon 2016, hindi lamang mga bata ang nagpapayabangan sa pagpapuputok kundi pati na rin ang mga matatanda na karamihan ay lasing na. Palibhasa’y lasing at mayroong kinakain na malagkit na kakanin, dumikit ang triyanggulo sa daliri at doon sumabog. Isang lasing na lalaki sa Tondo ang naputulan ng dalawang daliri dahil sumabog sa kamay niya ang triyanggulo.

Taun-taon, tuwing bisperas ng Bagong Taon ay nakahanda na ang mga ospital sa mga mapuputukan. Dinidispley na ng mga ospital ang kanilang mga equipment sa pagputol ng kamay, gaya ng lagari at iba pa pero hindi pa rin nasisindak ang mga nagpapaputok. Wala pa rin silang takot

Target ng DOH ang “zero casualty” tuwing sasa­pit ang pagdiriwang ng Bagong Taon. Pero tila mahihirapan sapagkat hindi nga makontrol ang pro­duksiyon ng paputok. May mga gumagawa kahit walang kalidad at nagiging dahilan ng trahedya.

Isang paraan ay ipagbawal ang paputok o kaya’y magkaroon ng isang public place sa barangay para doon gawin ang pagpapaputok o pagpapailaw. Ma­aaring walang mapapahamak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with