^

PSN Opinyon

Umamin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

INAMIN ni Pres. Rodrigo Duterte na siya ang nagpabalik sa trabaho kay Supt. Marvin Marcos ng CIDG-8. Sasabihin sana ni PNP chief Gen. Ronald dela Rosa kung sino ang “mataas na opisyal” na “kumpare” rin sa pagdinig sa Senado, pero inunahan na siya ni Duterte. Naging matunog nga na si Bong Go ang tinutukoy ni Dela Rosa, pero itinanggi ito ni Go, pati na rin ng PNP chief. Kaya luma­labas ba na “kumpare” ni Dela Rosa ang Presidente? Akala ko ba ninong siya? O sinalba ba ni Duterte ang kanyang kanang kamay mula sa intriga?

Anuman ang katotohanan, malinaw na puwedeng-pwede gawin ito ng kasalukuyang administrasyon. Binatikos nga ng ilang senador ang tila “double standard” ng administrasyon sa kanilang laban kontra iligal na droga. Kapag mga maliliit na tao ang nasasangkot sa droga, kahit gaano kaliit pa ang hinala, naaaksyunan kaagad. Bukod sa mga napapatay sa mga operasyon ng pulis, marami na ang napapatay ng mga di kilalang tao o grupo. Pero kapag mga pulis ang nasasangkot tulad ni Supt. Marcos, may suporta kaagad ng Palasyo, at tila lahat nang pagkakataong malinis ang pangalan, o ang pagkakasangkot, ay nabibigay. Banggitin ko na rin si Peter Lim, na noong nasangkot sa droga ay nakipagkita pa sa Presidente. Sinabihan lang siya na sumailalim sa imbestigasyon, pero ang balita ay nakaalis na ng bansa.

May bagong lumantad na rin tungkol kay Marcos. Magsasalita ang asawa ng pulis na pinapapatay umano ni Marcos, dahil ayaw gawin ang “project” na inutos sa kanya. Magsasalita na ang asawa sa Senado, sasabihin ang lahat ng kanyang nalalaman, pati na rin ang mga kaganapan na nauwi sa pananambang sa kanyang asawa. Ang tinutukoy na “project” ay ang pagpatay umano kay Espinosa Sr. Ewan ko, pero para ibalik ni Duterte ang ganitong klaseng pulis sa tungkulin? Magtatanong ka naman talaga. Sana itanong na rin kay Dela Rosa kung bakit niya isiniwalat ang ginawang pagbalik kay Marcos sa tungkulin, kung sensitibo nga ang kilos na utos pa ng Presidente ng Pilipinas. Ano pala ang gustong mangyari ni Dela Rosa sa pagsiwalat sa impormasyong ito sa publiko? Parang naaalala ko tuloy ang “Hello Garci”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with