^

PSN Opinyon

Economic sanctions nagsisimula pa lang

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TAMA si Senate President Koko Pimentel. Sa pagkait ng US sa Pilipinas ng 27,000 M4 assault rifles, makakahanap ang gobyerno ng mas mahusay at mas murang armas mula sa ibang bansa. Pero dapat na rin harapin ng gobyerno nang seryoso, imbis na puro pagmumura, ang mga puna tungkol sa human rights violations ng digmaan kontra droga.

Umatras ang US State Department sa pagbenta sa Philippine National Police ng modernong armas. Ito’y nang ianunsiyo ni senior Democrat Senator Bob Cardin, ng committee on foreign relations, na hahadlangan niya ang bentahan dahil sa kawalan-pahalaga ni President Rodrigo Duterte sa buhay ng suspek na pusher at aminadong adik sa droga. Aniya gagamitin lang ng PNP ang armas na gawang US para patayin ang mga kapwa-Pilipino. Masamang negosyo raw ito.

Tiyak ipamumukha ng Duterte admin na hipokrito ang US. Kasi nga naman nu’ng 2014 ay nagbenta si noo’y president Barack Obama ng Blackhawk helicopters sa Mexican army, na pumapatay ng libu-libong suspects na nagpupuslit umano ng cocaine sa US. Pero kung sa Pilipinas ang pinapatay, umaangal ang opisyales ng US.

Pero dapat intindihin na wala na si Obama, at may mga ibang pinuno sa US na sinsero kontra sa patayan at abuso.

Kaya maaasahang una pa lang ang usapin ng 27,000 rifles ang economic sanctions na maaring ipataw ng US sa Pilipinas para sawayin si Duterte. Armas pang-diplomasya ng US ang economic sanctions. Madaling sabihin ni Duterte na magsasakripisyo at mananaig ang Pilipinas kapag pinutulan ng US aid, pero maraming mawawalan ng hanapbuhay. Tandaan na lahat ng bilyon-bilyong dolyar na ayuda mula pa nu’ng 2002 ay ibinubuhos ng US sa Mindanao. Ito’y para sa mga plantasyon ng prutas, maliliit na negosyo, kalakalan, at mga pier.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with