^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi magkasundo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi magkasundo

HINDI na pinadadalo sa Cabinet meeting si Vice President at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) chairman Leni Robredo simula Disyembre 5. Ito ang text messages na natanggap ni Robredo noong Linggo. Ang nag-text ay si Cabinet Sec. Leoncio Evasco Jr.

Kinabukasan, nagbitiw na sa puwesto si Rob­redo. Tinanggap naman agad ni President Rodrigo Duterte ang resignation pero mabigat daw sa kalooban nito. Agad namang pinalit si Sec. Evasco bilang bagong HUDCC chairman.

Sa press conference kahapon, sinabi ni Robredo na nagulat siya sa text na hindi na siya pinadadalo sa Cabinet meeting. Hindi raw niya malaman kung bakit. Kaya ipinasya na niyang magbitiw na lang. Pero inamin din ng Vice President na mayroon silang indifferences ng Presidente. Mayroon silang hindi pinagkakasunduan dahil sa mga polisiya ni Duterte. Gayunman nagpasalamat pa rin siya sa Presidente sapagkat sa loob ng mahigit na anim na buwan ay nakapaglingkod siya sa Cabinet nito. Sa loob daw ng panahong iyon ay marami siyang nagawa para sa kapakanan ng mamamayan na may kaugnayan sa pabahay.

Inalok ni Duterte si Robredo para pamunuan ang HUDCC. Personal pa siyang tinawagan ng Presidente at inalok kung maaari nitong hawakan ang housing. Tinanggap niya ang alok at ginampanan ang tungkulin para mabigyan nang maayos na tirahan ang mamamayan lalo na ang mga napinsala ng bagyong “Yolanda”. Magkasama pa sila ng Presidente nang gunitain ang ikatlong anibersaryo ng pananalasa ng Yolanda noong Nobyembre 8 sa Leyte.

Kung hindi magkasundo, dapat na ngang maghiwalay sila ng landas. Magiging plastic lang sila sa isa’t isa kung patuloy na magkasama. Marami nang pangyayari na ang nanalong President ay hindi makasundo ang kanyang Vice President na mula sa kalabang partido. Mahirap talaga ang ganitong sitwasyon. Ganunman, sa kabila na wala na siya sa HUDCC, dapat magkaroon pa rin ng adbokasiya si Robredo na makatulong sa mamamayan na walang sariling bahay. Ipagpatuloy pa rin ang nasimulan lalo pa’t nasabi niyang gusto niyang makatulong sa mga kapuspalad na walang sariling tahanan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with