^

PSN Opinyon

‘Handog ng PAGCOR sa Pasko’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

TAUN-TAON ipinagdiriwang ang Pasko at naging tradisyon na rin sa ilang mga ahensya o organisasyon ang pamamahagi ng mga regalo sa mga nangangailangan.

Isa na sa mga nagbibigay ng regalo pagdating ng Pasko ay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa  mga taong salat sa buhay sa pamamagitan ng pangangalaga ng ilang mga ‘charitable institutions’ sa buong bansa.

Ito ay paraan nila upang maibalik sa tao ang biyayang kanilang natatanggap lalung-lalo na sa mga mahihirap at mga taong may karamdaman na halos mawalan na ng pag-asa sa buhay.

Ang tradisyonal na Pamaskong Handog ng PAGCOR ay naglalaan ng Php22.4 milyon para sa labing tatlong araw na pagbibigay ng aginaldo mula ika-anim ng Disyembre hanggang Disyembre 21, 2016.

Halos labing tatlong libong katao ang mabibigyan ng regalo kabilang ang mga persons with disability (PWDs), special education students, inabandona at naulilang mga bata, sundalo, day care teachers, senior citizens, mga pamilyang nakatira sa kalye, mga batang may malubhang karamdaman, mahihirap at minority groups.

Sila ang napili ng PAGCOR na maging benepisyaryo ng proyektong ito. Ang mga nabanggit na tatanggap ng aginaldo ngayong Disyembre ay mula sa 41 charitable institutions at non-government organizations na kumalinga at tumutok sa mga less-privileged at neglected sectors ng lipunan.

Pangungunahan ni PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo ang nasabing pagbibigay ng mga regalo.

Ayon pa sa kanya ang pagbabahagi ng natamong biyaya ng ahensya ay isa sa core values ng PAGCOR.

“This Pamaskong Handog project is a worthwhile undertaking. Not everyone is jubilant when Christmas comes due to different reasons and circumstances. So in our humble way, we will try to reach out to those who need our help the most. This, I believe, is the real essence of the Christmas season,” sabi ni Chairman Domingo.

Maliban sa pagbibigay sa kanila ng isang selebrasyon, ang PAGCOR ay maghahandog din ng napakagandang aginaldo.

Ang state-run gaming firm ay magbibigay ng dalawang milyong piso sa ilang institusyon kabilang ang the Armed Forces of the Philippines (AFP), the Foundation of Our Lady of Peace Mission, Inc., at National Children’s Hospital (NCH).

Ang AFP Educational Benefit System Office ay ilalaan ang nasabing pera sa AFP Scholarship Program na kasalukuyan nang nakapagtala ng 1,833 anak ng tauhan ng militar na napatay sa engkwentro o totally incapacitated.

Ang Foundation of Our Lady of Peace Mission, Inc., na nagpapatakbo ng Our Lady of Peace Hospital sa Parañaque City ay gagamitin naman ang dalawang milyong piso para bumili ng mga kagamitan para sa Emergency Room tulad ng cardiac monitors, fetal monitor, medical oxygen manifold system, ECG machines, infusion pumps at syringe pumps.

Samantalang NCH na tumanggap na ng tulong pinansiyal mula sa mga nagdaang Pamaskong Handog events ay gagamitin ang pera para sa pagpapaopera ng mga walang kayang kabataan na nakikipaglaban sa mga congenital anomalies ng gastrointestinal tract at urogenital organs.

Makakatanggap din ng mga gift packs na pang-handa sa noche Buena ang mga nasabing institusyon maliban sa perang ipagkakaloob sa kanila ng PAGCOR.

Magsisimula ang Pamaskong Handog 2016 sa Diyembre 6, 2016 sa Parañaque National High School.

Tinatayang tatlong daang Special Education (SPED) at working high school students ang magdiriwang ng isang programang may pagkain at kasiyahan.

Sa Metro Manila, ang mga institusyong mabibiyayaan ng proyektong ito ng PAGCOR ngayong taon ay ang Philippine Council of Cheshire Homes for the Disabled sa Cubao, Quezon City; Concordia Children’s Services, Inc. sa Sta. Mesa, Manila.

Ang mga Daycare teachers at senior citizens mula Manila, Pasay at Parañaque ay napili din ng PAGCOR na makasama sa kanilang proyektong Pamaskong Handog 2016.

Kasama rin dito ang the Kaibigan Ermita Outreach Foundation sa San Andres Bukid, Manila; Mandaluyong City Federation of Senior Citizens sa Mandaluyong City.

Ang mga senior citizens ng Pampanga; Haligi ng Bata, Inc. sa Quezon City; Operations Blessings Foundation Philippines, Inc. sa Pasig at ang Dumagat Remotados Indigenous People of Antipolo  ay kabilang din sa kanilang pagkakalooban ng aginaldo ngayong buwan.

Maliban pa sa mga organisasyong ito ang Casino Filipino branches at satellite ay magsasagawa rin ng hiwalay na gift-giving activities sa 23 na piling charitable organizations ng casino host communities sa buong bansa.

Marami tayong mga kababayan na sa hirap ng buhay nawawalan na ng pag-asa na makakaahon pa sa kahirapan.

Karamihan sa kanila kumakayod umaga at gabi para maibigay ang pangangailangan na pamilya. Maliit man na regalo sa paningin ng ilan ang ganitong uri ng proyekto ay napakalaking tulong na ito para sa mga kapus-palad.

Hindi lahat ng nakatira sa kalye ay nakakapagdiwang ng Pasko at bagong taon na may nakahandang pagkain sa kanilang mesa. Kung ang araw-araw nga na pagkain ay pinoproblema nila.

Ang ganitong gawain taun-taon ang nakakapaghandog sa kanila ng ngiti  upang masaya nilang salubungin at mas maging makahulugan ang Pasko para sa kanila.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with