^

PSN Opinyon

‘Suicide rate’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA mga panahon na papalapit na ang kapaskuhan, mataas ang bilang ng mga nagpapakamatay. Dala nang matinding depresyon at kalungkutan, karaniwan itong  nararamdaman ng mga malalayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon sa mga psychiatrist, tumataas ang estatistika pag­pasok ng “ber” months hanggang sa katapusan ng Pebrero. Bagamat walang eksaktong bilang ng mga nagsu-suicide  ang mga awtoridad, ito ang panahon na itinuturing  nilang kritikal dahil sa mga okasyon na ipinagdiriwang.

Pero sa pag-aaral ng Philippine Psychiatric Association, millennials ang mataas ang  suicidal rate. Edad 15 hanggang 24, parehong babae at lalaki.

Maraming sintomas ang mga gustong mag-suicide. Ang pinaka-delikado ay lalaki. Mas mapanganib ang kanilang pamamaraan ng pagkitil ng buhay. Kumpara sa mga kababaihan, lalaki ang kadalasang gumagamit ng baril at patalim o pagtalon sa matataas na gusali.

Payo ng mga dalubhasang doktor, dapat pagtuunan ng atensiyon ang bawat ikinikilos ng mga kasama sa bahay, kaibigan at katrabaho. Malaki ang maitutulong ng pagpapayo at pagkausap sa sinumang nalulungkot at depressed individuals dahil maaaring maagapan at mapigilan ang kanilang pagsu-suicide.

Pinaalalahanan ng BITAG ang publiko sa mga nati­tirang kritikal na buwan, maging mausisa sa biglaang pagbabago ng ugali ng ilan sa mga miyembro ng inyong pamilya, kaibigan at kasamahan.

Kapag nakikitang matamlay at hindi pangkaraniwan ang kanilang ikinikilos, kausapin sila at payuhan upang hindi mahantong sa pagpapakamatay!

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with