^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Anti-Drunk and Drugged Driving Act’, seryosohin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - �Anti-Drunk and Drugged Driving Act�, seryosohin

MARAMING nagmamaneho nang lasing sa alak at bangag sa droga subalit hindi nahuhuli at hindi rin napaparusahan. Ngayong Kapaskuhan, tiyak na marami na namang drayber ang magmamaneho ng lasing at mayroon pang nagdroga. Maraming malalasing dahil sa dinaluhang Christmas party.

Pero sabi ng Metro Manila Development Autho­rity (MMDA), paiigtingin nila ang paghuli sa mga driver na lasing sa alak at bangag sa droga. Papatawan nang mabigat na parusa ang mahuhuli. Ayon pa sa MMDA, mahigpit nilang ipatutupad ang Republic Act 10586 o ang “Anti-Drunk and Drugged Driving Act”.

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang lagdaan ni President Noynoy Aquino ang batas na ito pero wala pang napabalita na naparusahang lasing o naka-drogang driver. Marami nang aksidente sa kalsada ang nangyari dahil sa drunk driving pero walang nabalitaang na-convict.

Nakapagtataka kung bakit ngayon lang naghihig­pit ang MMDA? Kulang ba sila sa equipment kaya ngayon lang ito ipatutupad? Sayang lang ang batas kung hindi maipatutupad. Nilikha ito para mapa-ngalagaan ang publiko laban sa mga nagmamaneho nang lasing o bangag sa droga.

Sa ilalim ng batas, ang sinumang mahuhuli na nagmamaneho na nasa impluwensiya ng alak at pinagbabawal na droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng P80,000. Bibigat naman ang parusa kapag mayroong napinsala at namatay. Magmumulta ng P200,000 hanggang P500,000 kapag may napinsala at namatay kapag napatunayang nagmaneho nang lasing o kaya’y lango sa droga. May katapat din itong mahabang pagkakakulong.

Ang seryosong pagpapatupad sa RA 10586 ay nararapat. Kahit hindi panahon ng Pasko, maraming nagmamaneho nang lasing sa alak at bangag sa droga. Sana makasampol ang MMDA. Kung walang mapaparusahan dahil sa drunk driving, magpapatuloy ang paglabag dito. Kailangan ang kamay na bakal para lubusang ma-implement ang batas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with