^

PSN Opinyon

Huwag magmaneho nang lasing

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MARAMING kababayan natin ang namamatay sanhi ng aksidente sa kalsada. Ito’y dahil sa mga motoristang nagmamaneho habang silay nasa impluwensya ng alak o lango sa droga.  Kung maaalala n’yo nung isang buwan, nabanggit ko sa aking kolum na iwasan at kung maaari ay ihinto na ang paninigarilyo dahil ito’y nakamamatay, nagkakasakit  ang isang tao ng lung cancer dahil sa sigarilyo.  Ipinagbawal din ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, hinuhuli ang sinumang mahuling naninigarilyo at pinapatawan ng kaukulang parusa.

Ganyan din sana ang gawin ng MMDA, LTO at pulis sa mga nagmamaneho ng lasing o kaya naman naka-droga.  Sa US istrikto ang mga otoridad sa pagpapatupad ng “Anti Drunk Driving Law” gumagamit sila ng “breath analizer” kung minsan pinaglalakad nila ng deretso ang mga driver  at kung hindi ito pumasa ito’y kanilang tinitiketan,  at kung tatlong beses na sa isang taon nahuli ang isang moto-rista ito’y tuluyan na nilang kakanselahin ang lisensiya at pinagbabawalan ng magmaneho.

Sa iba’t ibang siyudad sa ating bansa, maraming nagmamaneho ng lasing, hindi lang tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon halos araw-araw ay may nahuhuling la-sing na nagmamaneho lalo na sa gabi hanggang madaling araw.  Maraming nahuhuli pero walang napaparusahan dahil ang ibang mga pulis na nanghuhuli ay natatapalan ng pera, bibigyan lang sila ng pangkape, absuwelto na.

Kung maayos  lang sana ang paghuli sa mga nagmamaneho nang lasing nababawasan sana ang aksidente at krimen sa kalye. Kaya dapat pairalin ang kamay na bakal para naman maipatupad nang maayos ang “Anti-Drunk and Drugged Driving Act” na halos tatlong taon nang naging batas.

Sana mabigyang pansin ng administrasyong Duterte ang Republic Act  10586.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with