^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tax sa yosi, dagdagan pa

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tax sa yosi, dagdagan pa

NOONG 2012 ipinatupad ang excise tax sa sigarilyo. At makalipas ang apat na taon, nakita ang magandang epekto nito. Malaki ang binawas sa mga nagyoyosi mula nang patawan nang malaking tax. Ayon sa report, noong nakaraang taon, bumaba ng 23 percent mula 31 percent ang tumigil sa paninigarilyo. Nasa walong milyong smokers umano ang nag-quit sa pagyoyosi makaraang itaas ang buwis sa sigarilyo at nadadagdagan pa umano ayon sa Philippine Society of General Internal Medicine.

Nakatulong din umano nang malaki ang pag­lalagay ng graphic warning sa kaha ng sigaril­yo kaya marami ang tumigil sa pagyoyosi. Ang paglalagay sa graphic warning ay nakasaad sa Republic Act 10643 (Graphic Health Warning Law) na nagkabisa noong nakaraang buwan. Kabilang sa mga larawan ng sakit na nasa kaha ng yosi ay kanser sa baga, lalamunan, bibig, pisngi, dila. emphysema, katarata at sakit sa puso. Sa mga bansa sa Asia, ang Pilipinas na lamang ang walang graphic images sa mga pakete ng yosi.

Kung epektibo ang pagtataas ng buwis sa bisyong sigarilyo, dapat patawan pa ito. Kapag pinatawan, magmamahal pa ang sigarilyo at maaaring wala nang bumili. Kapag wala nang bumili, nakakatiyak nang walang magkakasakit at mamamatay sa pagyoyosi.

Ayon sa Department of Health (DOH), 87,600 Pilipino ang namamatay taun-taon dahil sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo. At malaki rin ang nagagastos ng pamahalaan sa mga ospital ng gobyerno na pinagdadalhan sa mga nagkakasakit dahil sa pagyoyosi. Kaya walang pinakamabisang paraan para matigil ang bisyo kundi taasan pa ang tax nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with