^

PSN Opinyon

NBI vs. tsismis!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TOTOO kaya ang tsismis na may kumita sa mga tsekwang hinuli na iligal na nagta-trabaho sa online gaming dyan sa Fontana Resort, Clark, Pampanga kaya may mga naglahong parang bula dito?

Ayon sa mga kumakalat na tsimis, hindi birong salapi ang isinuhol sa mga bantay para makalabas sa Bureau of Immigration Academy na pansamantalang ginamit na piitan ng mga nahuling tsekwa.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila naniniwala na sisirain ng NBI agents ang kanilang kredibilidad kapalit ng P250,000 each tsekwa na pinawalan?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mataas ang tiwala ng madlang public sa NBI dahil napakaganda ng imahe nila at hindi sira ang kredibilidad.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi gagawa ng kalokohan ang ilang ahente ng NBI lalo’t si Boss Digong ang nagpapatakbo sa Philippines my Philippines dahil may paglalagyan sila oras na nakipagsabwatan ang mga ahente sa sindikato.

Naniniwala ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na kumpleto sa dokumento ang mga tsekwang pinalabas sa BI Academy kaya hindi sila naniniwala na basta na lamang ito makakaalpas kapalit ng malaking halaga ng salapi.

Naku ha!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masusing iniimbestigahan ang tsismis para mabigyan linaw ang katotohanan.

‘May mga sumisira sa kredibilidad ng NBI kaya nagpapakalat ng maling impormasyon,’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Kambiyo isyu, dapat may managot para malaman kung sinu-sino ang nagsabwatan kung bakit nakalusot ang mga tsekwa na iligal na makapagtrabaho sa online gaming.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, alam nilang matagal ng may nangangamoy ang mga tsekwa sa online gaming pero hindi ito binigyan ng pansin ng ilang authorities.

Bakit kaya hindi agad ito nasita?

Sagot - may money involved kaya ganoon. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi isa o dalawa, tatlo o apat na tsekwa ang sinasabing iligal na nagtatrabaho todits kundi nadiskubre na mahigit sa isang libo ang mga ito.

‘Hindi pa lang alam kung ilan ang may working visa pero tiyak karamihan sa mga ito ay turista lamang,’ sabi ng kuwagong nabukulan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa BI Academy dinala ang mga hinuli, umaangal ngayon ang mga bagong BI recruits na pumapasok todits dahil naging marumi at mabantot ang kanilang eskuelahan sa ngayon?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

New BuCor chief Benjie delos Santos

NASAMPAL este mali nanumpa pala yesterday si newly appointed BuCor director Benjie delos Santos kaya ipakakalkal nito ang mga nangyaring anomalya sa New Bilibid Prison at iba pang kulungan na under niya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat sigurong alamin muna ng mga high profile inmates at mga pasaway sa Bilibid kung sino si Benjie at ano ang katangian nito bago sila magpa-bright, bright kung bakit siya ang pinagkatiwalaan para umupo sa silya elektrika este mali sa BuCor pala.

Maganda ang naisip ni Benjie dahil gusto niyang mas maging transparent sa madlang public ang BuCor sa pagkakaroon ng mga instagram, twitter at account sa facebook.

‘Basta ang masasabi ko lang kay Benjie ayaw na ayaw nito ang pasaway at ogag,’ sabi ng kuwagong mananakot.

Abangan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with