^

PSN Opinyon

Hindi parehas na trato ni Erap

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

BUHAY na buhay na naman ang kalakalan sa Juan Luna St., Binondo, Manila sa kabila ng walang humpay na paglilinis ni Manila mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga sagabal sa kalye partikular ang illegal vendors. Magkano kaya ang parating sa mga galamay ni Erap na kinabibilangan nina Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) OIC Dennis Alquoreza, Consencio Lagamayo at Raffy Alejandro? 

Iyan ang hugot hininga ng mga di-pinagbigyang vendors na aking mga nakausap. Kasi nga kung seryoso si Erap sa kanyang kampanya laban sa obstruction sa kanyang kaharian dapat lamang na parehas ang kanyang pagtrato. Kaya tuloy ang mga naapektuhan ay nagsusu-migaw na hindi parehas si Erap. Di ba mga suki? Mukhang natapalan na ng atik ang mukha ng ilang mga opisyales ni Erap kung kaya nagbabalikan na naman ang vendors na binuwag. Hindi naman ito maipagkaila sa mata ng tao dahil noong buwagin ni Erap ang vendors at mga illegal terminal sa Divisoria lumuwag ang mga kalye at dumaloy kahit papaano ang trapiko.

Subalit ngayon halos magkakapalitan na naman ng mukha ang mga taong naglalakad sa Juan Luna at Tabora Streets  at iba pang mga kalye sa paligid ng Divisoria dahil bumalik na naman ang mga puwesto ng vendors na may hatag, hehehe! Pista at nag-uumapaw ang bulsa ni Edgar sa tig-P100 kada tarima sa Carmen Planas, samantalang sa Ilaya ay tumatabo ng P300 kada puwesto sina Liza at Bomboy, ang mag-asawang Bernard at Haidi naman ay may koleksyon naman na mula P150-190 sa mga puwesto sa M. D. Santos at si Aris naman ay tumatabo sa 30 puwesto ng vendors sa Juan Luna. Bukod pala sa araw at gabi ang koleksyon sa vendors na umuukopa sa mga bangketa kung kaya pumuputok na ang kanilang bulsa.

Ang masakit nito napupulaan ng milyun-milyong koleksyon ang magandang reputasyon nina Alquoreza, Lagamayo at Alejandro sa pagbabalik ng vendors sa kalye. Kaya ngayon hati ang paniniwala ng Manileños sa kampanya ni Erap sa pagbabalik ng mga sagabal sa kalye. Kailangan pa bang si Pres. Rodrigo Duterte pa ang personal na pumuna nito mga suki? Kailangan pa ba ang kamay na bakal sa paghagupit sa mga sagabal sa kalye kung kaya naman daanin sa parehas na laban? Kung sabagay kung naghihinagpis man ang vendors na nawala sa listahan na pinagbigyan nina Alquoreza, Lagamayo at Alejandro labis naman ang pananaghoy ng may 600 MTPB enforcers matapos sibakin sa puwesto.

Kasi nga naman naging maingay sila matapos na hindi sila pasahurin ng may limang buwan sa pagbibilad sa init at ulan. Nadamay rin ang ilan sa “kotong” kung kaya sa buwisit ni Erap ay winalis na sila upang hindi na pamarisan. Ang masakit naiwan pa ang ilang opisyales na sumisira rin sa reputasyon ng MTPB. Idagdag pa ang hindi pagbibigay ng porsiyento sa enforcers sa ordinance violation reciept. Mukhang meron pa ring hindi parehas sa pagtrato, di ba mga suki? Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with