^

Punto Mo

‘Naumay na kay Pacquiao?’

ORA MISMO - Tony Calvento - Pang-masa

NAWALAN NA BA ng gana ang palakasan sa boksing? Ang tinutukoy ko ay ang laban ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao at ni Jessie Vargas. Tila walang ingay gayung sa Nobyembre 5, 2016 na ito gaganapin.

Sa mga nakaraang laban ni Pacman ilang buwan pa lang bago ang laban nagkalat na ang mga tarpaulin, billboards at kaliwa’t kanan na ang mga balita tungkol sa kanyang makakalaban.

Sa isang ‘merchandising move’ ng promoter na si Bob Arum isinabay niya pa rin ang laban ni Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire laban kay Jessie Magdaleno.

Ang dalawang malaking laban na ito ay gaganapin sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas.

Sa lahat ng naging laban ni Pacquiao ngayon lang nila ibinaba ang tiket sa bleachers ng 50$.

Ang tingin ko babawi na lang sila sa pay-per-view dahil kapag nagpareserba ka na ngayon ay nasa Php700 na sa Skycable.

Napili nilang sa Thomas and Mack Center ganapin ang laban dahil kaya nito ang 6,000 katao at maaari silang lumampas ng kaunti sa nasabing bilang.

Dagdag pa ni Arum mas maraming Pilipino ang makakapanuod ng laban sa halagang 50$. Inaasahan na nilang dadagsa ang mga Filipino fans para suportahan ang dalawang malalaking pangalan sa bansa sa larangan ng boksing.

Pareho namang naghahanda na ang dalawang boksingero para sa nalalapit nilang laban. Si Pacman pinagsasabay ang pagiging Senador at ang training niya.

Matatandaang nagpahayag ng kagustuhang magretiro si Pacman sa boksing nang tumakbo siyang Senador ngunit agad ding bumalik at sinabing hinahanap ng kanyang katawan ang pagboboksing.

Hindi naman daw mamaliitin ni Pacman ang kanyang kalaban dahil Champion din ito kaya’t puspusan ang kanyang pinaghahandaan.

Pagdating ng Nobyembre 5, 2016 malalaman natin kung ang dalawang Pilipinong ito ay maiuuwi ang pagkapanalo at  magkakaroon ang Pilipinas ng dalawang kampeon sa isang araw.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

PACMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with