^

Police Metro

Bebot nang-onse sa droga, itinumba

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang babae nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaking kausap nito kahapon ng umaga sa Port Area, Maynila.

Walang nakita na anumang identification card o dokumento  ang biktima na inilarawan na nasa pagitan ng edad 20-25; nasa 4’8”, nakasuot ng checkered pink na bestida at shorts, blue ang kulay ng tsinelas, blue ang plastic wrist watch at silver ang hikaw at singsing.

Bago ang pagpatay sa biktima dakong alas-6:00 ng umaga sa Railroad St., Barangay 650, Port Area ay nakita ng ilang residente na may kausap ang una na dalawang lalaki at ilang minuto ang nakalipas ay nagtatalo na ang mga ito hanggang sa paputukan ang biktima ng ilang ulit sa katawan ng kalibre 45 at kalibre 9MM ng mga suspek.

Nang bumulagta ang biktima ay tumakas naman ang mga suspek at isa pang lalaki na nagmistulang lookout na nila ng pumasok sa eskinita sa Railroad St.

Posibleng dumayo lamang at iskorer ng shabu ang biktima at hindi nakapag-remit kaya itinumba.  

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with