^

PSN Palaro

Rockets pinasabog Lakers binigyan ng maningning na debut si Walton

CALVENTO FILES - Pilipino Star Ngayon
Rockets pinasabog Lakers binigyan ng maningning na debut si Walton
Dinaanan ni Lakers guard Jordan Clarkson si Ro­ckets guard James Harden sa pagtatapos ng kanilang laban kung saan nanaig ang Los Angeles.

LOS ANGELES-- Isang panalo ang ibinigay ng Lakers kay Luke Walton para sa kanyang official head coaching debut.

Umiskor si Fil-Am Jordan Clarkson ng 12 sa kanyang 25 points sa fourth quarter para pa­ngunahan ang Lakers sa 120-114 panalo laban sa Houston Rockets para sa debut ni Walton.

Nag-ambag si D’Angelo Russell ng 20 points at kumolekta si Julius Randle ng 18 points, 7 rebounds at 6 assists para sa Lakers.

“It wasn’t pretty, but it got the job done,” sabi ni Russell. 

Sa pinalakas na roster matapos ang worst season sa 16-time champion team’s history, umarangkada ang Los Angeles sa fourth quarter laban sa Houston.

Ginamit ng Lakers ang isang up-tempo offensive game sa ilalim ng 35-anyos na si Walton.

Sinamantala ito ni Clark­son, pumirma ng isang $50 million contract, at ang kanyang 3-pointer ang nagbigay sa Lakers ng 116-112 abante sa hu­ling 1:48 minuto at nai­mintis ng Rockets ang ilan nilang open shots sa huling minuto ng laro.

Humakot si James Harden ng 34 points, career-high 17 assists at 8 rebounds para pamunuan ang Houston, naimintis ang 15 sa kanilang 16 3-point attempts sa second half.

Sa Orlando, Florida, nag­lista si Hassan Whiteside ng 18 points, 14 rebounds at 4 blocked shots para igiya ang Miami Heat sa 108-96 panalo laban sa Magic sa kanilang unang laro nang wala sina perennial All-Stars Dwyane Wade at Chris Bosh.

Sa iba pang resulta, di­naig ng Indiana ang Dallas, 130-121; tinalo ng Boston ang Brooklyn, 122-117; pinatumba ng Toronto ang Detroit, 109-91; pinadapa ng Charlotte ang Milwaukee, 107-96; iginupo ng Memphis ang Minnesota, 102-98; tinakasan ng Denver ang New Orleans, 107-102; pinabagsak ng Oklahoma ang Philadelphia, 103-97 at binigo ng Sacramento ang Phoenix, 113-94.

vuukle comment

LAKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with