^

PM Sports

Ika-4 panalo asam ng Customs

SAPOL - Pang-masa

MANILA, Philippines - Target ng pumapangalawang Bureau of Customs Transformers ang ika-apat na panalo sa kanilang pakikipagsagupa sa pumapangatlong Pocari Lady Warriors ngayon sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference na gaganapin sa Philsports Arena sa Pasig City.

Tangan ang 3-1 kartada, haharapin ng Customs Transformers ang Pocari sa alas-6 ng gabi habang hangad naman ng BaliPure na manatili sa ikatlong puwesto sa kanilang laban kontra sa University of the Philippines Lady Maroons sa alas-4 ng hapon.

Maglalaban naman ang Philippine Army at Champion Supra sa alas-12:30 ng tanghali sa Spiker’s Turf Reinforced Conference na gaganapin sa parehong venue.

Inaasahang magiging makipot ang daan tungo sa semis sa anim na koponan na hanggang ngayon ay nanatiling buhay ang pag-asa na makarating sa susunod na round.  Kabilang na sa mga ito ang Customs (3-1), Pocari (2-1), BaliPure (2-1), Laoag (2-3), UP (2-3) at Air Force (2-3).

Sa ngayon tanging ang six-time champion University of Sto. Tomas pa lamang ang pumasok sa semifinal round bunga ng five-set win kontra sa Laoag noong Miyerkules para angkinin ang 5-1 record habang ang Philippine Coast Guard Lady Dolphins pa lamang ang wala nang pag-asang umusad sa semifinal round sa kanilang 0-5 slate.

Kung masusungkit ng Customs ang isa pang pana-lo ay makakamit na nila ang playoff right para sa ikaapat at huling slot sa semis.

Ngunit kung ang Po-cari ang magwagi babagsak ang Transformers sa ikalimang upuan sa 3-2 kartada.

Kung sasabayan pa ito ng panalo rin ng BaliPure laban sa UP, aabanse naman ang Lady Warriors at Water Defenders sa two-way tie sa ikalawang puwesto sa parehong 3-1 card.

Dahil limang playing dates na lang ang nalalabi sa single round elimination, inaasahan sa senaryong ito ang matinding bakbakan sa kanilang agawan para sa tatlo pang natitirang semifinal slots.

Sasandal ang Customs kina MVP Alyssa Valdez at Thai imports Kanjana Kuthaisong at Natthanicha Jaisaen. (FCagape)

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS TRANSFORMERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with