^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bawasan muna ang pagkukuwento

Pilipino Star Ngayon

MAHILIG magkuwento si President Rodrigo Duterte. Sa lahat ng kanyang mga pagtatalumpati, lagi nang may kasamang pagkukuwento at pagpapatawa pa. Mahusay siyang story teller. Isang ugali ito na karaniwang hindi na makikita ngayon sa mga kasinggulang niya na palakuwento ng mga nangyari noon pa. Sa mga naging Presidente ng bansa, siya lamang ang mahilig magkuwento kapag nagtatalumpati. Pero sa sobrang pagkukuwento ng Presidente, marami siyang nasasabi na hindi na kasama sa dapat ay sasabihin niya sa partikular na isyu. Lumalaktaw siya sa dapat ay hanggang doon lang ang dapat sabihin. Hindi na rin nasusunod ng Presidente ang naka­handang talumpati sapagkat ang pagkukuwento na ang kanyang nahaharap.

Wala namang masama sa magkuwento pero dapat bawasan na muna at baka may masabi na naman na hindi magugustuhan ng ibang nakakarinig. Gaya nang nasabi niya noong nakaraang linggo makaraang dumating galing Vietnam na inihalintulad ang sarili sa German dictator na si Adolf Hitler na pumatay ng milyong Hudyo noong World War 2. Kung si Hitler ay pumatay ng mil­yong Hudyo siya rin daw ay nakahandang pumatay ng tatlong milyong addict.

Ang pahayag ni Duterte ay umani nang mara­ming batikos, partikular na sa Jewish community. Hindi raw dapat nagpapahayag ng ganito ang Philippine President. Mataas daw ang pagtingin ng mga Hudyo sa mga Pilipino sapagkat noong WW2 ay kinupkop ng Pilipinas ang mga Hudyong tumatakas sa lupit ni Hitler.

Nag-sorry naman si Duterte sa sinabi.

Tatlong beses nang nag-sorry ang Presidente dahil sa mga sinabi. Lagi na lang bang magso-sorry kapag may hindi magandang nasabi? Hindi maganda ito. Mas maganda kung babawasan na muna ang pagkukuwento habang nagtatalum­pati para hindi sumablay sa mga sinasabi. O bago magbuka ng bibig ay isipin muna nang maraming beses. Mahirap ang laging humihingi ng paumanhin sa maling nasabi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with