^

PSN Opinyon

AFP hindi sang-ayon na itigil ang joint exercises with US forces?

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

PINANINDIGAN ni President Duterte ang kanyang sinabing talagang wala nang joint military exercises na magaganap sa pagitan ng Pilipinas at ng United States of America sa ilalim ng kanyag anim na taong  termino na magtatapos sa 2022.

At panghuli na raw ang magaganap na joint US-Phl Balikatan exercises ngayong October 4 sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal.

May namamagitang Mutual Defense Treaty ang Pilipinas at ang US na kung nakasaad ang annual joint amphibious lan­ding exercise at training.

Ngunit ang nais ni Duterte na itoy tigilan na sa ilalim ng kanyang termino at panghuli na nga ang mangyayari ngayong linggong ito sa Tanay. 

Ito ay bunsod na rin sa  galit at pagkainis ng Presidente sa pa­ngingialam ng ilang opisyal ng US sa pamamaraan niya sa pagsugpo ng illegal na droga na may tinatayang higit 3.7 million nang biktima.

Nagagalit si Duterte sa pagpuna ng European Union, ng US at maging ng United Nations na ito nga raw ay malaking paglabag sa human rights.

Nakapagbitaw na ng salita ang Presidente at wala na nga raw joint military exercises with the US  na magaganap sa kanyang termino. Ngunit ayon sa aking source, ang pahayag ng Presidente ay naging sanhi ng gulo sa loob ng Armed Forces of the Philippines na silang counterpart ng US forces sa Balikatan.

Marami raw ang tutol at namromroblema ngayon sa AFP kung tuluyan ngang gawin ng Presidente ang kanyang sinabing tigil na ang Balikatan.

Ang mga nasabing exercises ay sinasabing nakakatulong din kahit paano sa mga sundalong Pilipino kahit nga na wala silang nakukuhang kagamitan na bago o kahit ano pa man kundi yong pinag-iwanan at maruruming gamit ng mga Kano pagkatapos ng Balikatan. 

Ito pagtutol ng AFP sa ginagawa ng Presidente ay dapat na maayos din sa lalong madaling panahon bago lumaki ang hindi pagkakaintindihan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with