^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga pulis, kailangan sa vicinity ng eskuwelahan

Pilipino Star Ngayon

LAGANAP ang holdapan, snatching at “pitas-hikaw” sa paligid ng mga eskuwelahan sa Metro Manila. May mga “batang hamog” na bubuntot-buntot sa mga estudyante at tinatakot. Noong nakaraang linggo, may isang bus na binato ng mga “batang hamog” at maraming nasugatan. Nakapagtataka na wala man lang pulis na nakakaresponde sa holdapan at pang-aagaw ng cell phone o kuwintas. Bigo ang mga magulang at estudyante na mapaglingkuran ng mga pulis sa oras ng kagipitan.

Masyadong busy kasi ang Philippine National Police (PNP) sa kampanya laban sa illegal na droga. Pinaigting pa ang “Oplan Tokhang” hindi lamang sa squatter’s area kundi pati na rin sa eksklusibo at mayayamang subdibisyon. Habang abala ang PNP, patuloy naman si Pres. Rodrigo Duterte sa pagdalaw sa mga kampo ng sundalo at mga pulis. Paulit-ulit niyang sinasabi na tutulungan niya ang pamilya ng mga pulis na mamamatay sa pakikipaglaban sa drug syndicates. Suportado rin niya ang mga pulis na kakasuhan kaugnay sa drug campaign ng PNP.

Araw-araw, may mga nahuhuling drug suspects at may napapatay dahil lumaban sa mga pulis. Sisikapin daw ng PNP na maubos ang lahat nang mga nagtutulak ng illegal drugs. Dati ay anim na buwan ang pangako ng PNP sa paglipol sa drug syndicates pero humingi pa ng anim na buwang extension ang Presidente.

Habang nagtatagumpay ang pamahalaan laban sa illegal na droga, lumalaganap naman ang krimen sa paligid ng mga school na ang karaniwang biktima ay mga estudyante. Sana, mapagtuunan din ng pansin ang mga nangyayari sa paligid ng eskuwelahan. Mas magiging kapuri-puri ang PNP kung magiging maigting din sa pagbabantay sa bisinidad ng mga eskuwelahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with