^

PSN Opinyon

Palakpakan si Sec. Villar

BANAT NI BATUIGAS - Pilipino Star Ngayon

PAALALA sa mga motorista simula sa Lunes ibabalik na ang pagpapatupad ng number coding sa Parañaque. Samantala, bukas na sa light vehicles ang NAIA Expressway 2 mula Macapagal Blvd. patungong Terminal 1and 2 at patungong  Ninoy Aquino Avenue. Maging ang C5 Road Extension na nag-uugnay sa Las Piñas  City at Parañaque City  patungong South Expressway Service Road ay binuksan na rin. Malaking bagay ito na mapaluwag ang Ninoy Aquino Avenue, Quirino Avenue at Coastal Road dahil ito na ang magiging daan ng mga motorista patungong Magallanes Interchange. Palapakan si DPWH Secretary Mark Villar dahil napabilis ang konstraksyon.

Samantala, mahigpit ngayon sa New Bilibid Prison matapos ang riot na ikinamatay ng inmate na si Tony Co at pagkasugat nina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy. Mukhang uminit ang puwet ng mga preso matapos ang bulgaran blue sa imbestigasyon ng Kongreso. Ang naapektuhan tuloy ng gulo ay si Sen.Leila de Lima dahil ang pangunahin niyang asset na si Sebastian ay isa sa nasugatan. Ngunit kung super bantay man ang mga preso sa NBP, wala namang puknat ang patayan sa Metro Manila at mga lalawigan. Mapupusok na ngayon ang pushers/users dahil sa tukoy na sila ng mga pulis. Armado na ngayon ang mga durugista dahil alam nila na hindi na rin sila sasantuhin ng mga pulis oras na magkrus ang kanilang landas.

Patunay ang pangyayari sa Bgy. Culiat, Quezon City.  Tila umaaray na ang mga sindikatong nasagasaan sa pinaigting na operasyon kontra ilegal na droga sa Quezon City, partikular na sa Culiat na dating untouchable. Noong Lunes ng madaling araw, isang granada ang sumabog sa Salaam Mosque Compound sa Culiat na nagresulta sa pagkakasugat ng apat na pulis at tatlong barangay tanod. Ayon sa QCPD, dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang naghagis ng granada sa mga pulis at volunteer na nagpapatrulya sa lugar.

Kinilala ni QCPD director Senior Supt. Guillermo Eleazar ang mga biktima na sina PO3 Jaalin Abdurajik, PO2 Abdulwarid Julaid, SPO1 Romeo Amming, at retired SP04 Sala Uddin. Sila ay mga miyembro ng Police Security Protection Group (PSPG) ng Philippine National Police. Ang mga volunteer na nasugatan naman ay sina Khadafi Udhan, Alex Taluyan at Junrey Tioc. Ang mga biktima ay pawang mga residente ng Culiat na kusang nagboluntaryo na magpatrulya sa kanilang lugar. Bilang tugon sa insidente, kaagad na nag-utos si Eleazar ng imbestigasyon sa pag-atake.
Personal ding binisita ni Eleazar sa ospital ang mga biktima at nangakong tutulong sa kanilang gastusin. Ayon kay Eleazar, hindi nila inaalis ang posibilidad na ang pag-atake ay kagagawan ng mga sindikato ng iligal na droga na nais na maghiganti sa pinaigting na operasyon ng QCPD. Naging notoryus noon ang Culiat dahil sa loob ng matagal na panahon, naging kuta at pugad ito ng mga tulak at adik sa droga. Pero dahil sa serye ng mga raid na ginawa ng QCPD, ang pamamayagpag ng iligal na droga ay nasawata na nagbunsod sa mga residente na magkaroon ng lakas ng loob na lumaban sa sindikato. Sa madaling salita, ang mga residente ay naging inspirado at ganado na mapanatiling tahimik ang kanilang komunidad. Ang nasimulang ito ang ayaw na masayang ng mga residente kaya naman naninindigan sila na hindi padadala sa mga pananakot ng sindikato lalo pa’t may sinasandalan sila na mapagkakatiwalaang puwersa ng QCPD sa pangunguna ni Eleazar.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with