^

PSN Opinyon

Sunud-sunod na iyan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG si Pres. Rodrigo Duterte ang tatanungin, ang US daw ang nasa likod ng pagbagsak ng peso. Pinakamahina ang peso ngayon kontra sa dolyar sa loob ng pitong taon. Pero ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, hindi raw. Gumaganda ang ekonomiya ng US, kaya raw lumalabas ang pera ng mga mamuhunan at doon na muna inilalagay. Matagal na rin daw gustong itaas ng US Federal Reserve ang interest rates, kaya ngayong gumaganda ang ekono­miya nila, nangyari na. Ito raw ang mga dahilan ng paghina ng peso.

Nagbigay ng payo rin si Diokno sa mga dayuhang mamumuhunan. Huwag daw malito o makinig sa mga “ingay”. Tingnan daw ang buong gubat, hindi lang ang mga puno. Kayo na ang bahala kung anong ingay at puno ang tinutukoy ni Diokno. Pero may mga nagsa­sabi na may epekto ang mga pahayag ni Duterte kontra sa US, pati na ang foreign policy na tila palayo na ng US, ang matagal nang kaalyado sa mundo. Sa ngayon ay wala naman tayong magagawa kung ganyan kahina sa ngayon ang ating peso. Sana lang ay huwag maging sanhi ng pagtaas ng presyo ng maraming bilihin. Palapit pa naman ang kapaskuhan.

Nagsalita na rin si dating DFA Sec. Albert del Rosario. Kahina-hinayang daw ang isinusulong na “independent foreign policy” ng administrasyong Duterte, na tila palayo na sa mga matagal nang kaalyado ng bansa tulad ng US at European Union. Alam na ng lahat ang mga maaanghang na pahayag ni Duterte sa US at EU. Madalas din siyang nagpapahayag na luma­lapit na siya sa China at Russia, at hinihintay na rin daw siyang dalawang bansa. Lahat ito ay may epekto sa mga gustong mamuhunan sa bansa, partikular mga galing ng US at EU. May epekto rin sa tingin ng mga kompanya tulad ng Standard & Poor’s, na ayon kay Duterte ay “wala siyang pakialam”.

Hindi pa masabi kung makakabawi ang peso sa dolyar. Kung magpapatuloy ang paghina nito, asahan na gagalaw na ang mga presyo ng mga bilihin. Kapag malakas ang dolyar, nagmamahal ang langis. Kapag nagmahal ang langis at tumaas ang presyo ng gasolina at diesel, sunud-sunod na iyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with