^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pag-aralan muna bago maghayag

Pilipino Star Ngayon

MERON na namang hawak na listahan ng mga taong sangkot sa illegal na droga si President Rodrigo Duterte. Ito ang ikatlong narco-list na anumang oras umano ay ihahayag niya. Kahapon nang magsalita sa mga kagawad ng babaing pulis sa Davao City makaraang dumating mula Vietnam ay may hawak siyang listahan na pinaniniwalaang narco-list pero hindi muna niya inihayag lahat ang mga nakalista roon. Mas marami umano ang nasa ikatlong narco-list. May mga pulitiko at mga pulis.

Unang naghayag ng mga taong sangkot sa droga si Duterte noong Hulyo kung saan limang police generals at 164 na iba pa na kinabililangan ng mga huwes, governor, mayor, sundalo at pulis. Kabilang sa mga police general ay ang mga retiradong sina Marcelo Garbo at Vicente Loot na ngayon ay mayor na sa isang bayan sa Visayas. Kabilang din ang tatlong general na kabilang sa Quezon City Police District (QCPD). Itinanggi naman ng mga general ang akusasyon sa kanila. Malinis daw ang kanilang pangalan.

Noong Agosto, inilabas ng Presidente ang drug matrix sa New Bilibid Prison (NBP) kung saan sangkot ang dating Pangasinan governor na si Amado Espino, provincial administrator Rafael Baraan, board member Raul Sison, dating DOJ Sec. Leila de Lima, ex-DOJ Usec Francisco Baraan III, ex-BuCor Director Franklin Bucayo at ang driver na si Ronnie Dayan.

Subalit noong nakaraang linggo, humingi ng paumanhin si Duterte kay Espino at Baraan. Hindi umano kabilang ang mga ito sa NBP drug matrix.

Ngayong may hawak na naman ang Presidente na narco-list, kailangang pag-aralan at busisiin muna kung tama ang mga ihahayag na pangalan. Saliksikin muna nang ilang beses at baka naman mali ang masabi. Kapag nasabi na, mahirap nang bawiin. Naibando na ang mga pangalan pero hindi naman pala totoo. Malaking kahihiyan para sa mga inosente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with