^

PSN Opinyon

Saan napupunta ang parking fee?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

INIUTOS na ni Manila Mayor Joseph Estrada na bawal pumarada ang mga sasakyan sa kahabaan ng Quezon Blvd. Ito ay para makatulong sa pagluwag ng kalsada, para na rin sa pagluwag ng trapik. Ang mga nakaparada sa Quezon Blvd. ay hahatakin agad ng mga otorisadong tow truck. Binalaan din ang mga opisyal ng barangay, pulis o kung sino pa ang naniningil ng parking sa nasabing kalsada.

Saan ba napupunta ang parking fee sa mga maliliit na kalsada? Hindi ko tinutukoy ang “watch your car boys”, kundi ang mga opisyal na naniningil ng parking, iba may resibo pa nga. Mga lugar na wala namang karatulang nagsasabi na “pay parking” ang kalsada. Sa lokal na pamahalaan ba? Sa barangay? O may personal na nagbubulsa lang? Napakarami niyan sa Quezon City at iba pang siyudad. Magkano kaya ang nakokolekta araw-araw?

Dapat gayahin ng ibang mga siyudad ang ginawa sa Maynila. Maraming pangunahing kalsada na hindi dapat pinapayagang paradahan ng sasakyan, tulad ng Ortigas Ave. Pati na rin ang ilang mas maliliit na kalsada pero mabigat ang daloy ng trapik. Maraming maliliit na kalsada nga ang dapat nilalagyan ng traffic enforcer ng MMDA, o ng lokal na pamahalaan para maging maayos ang daloy trapik at hindi nagbabarahan sa mga intersection. At kapag umulan, hindi rin sila dapat naglalaho! Wala bang budget ang MMDA para sa mga kapote? Kung may pambili ng mga digital camera, dapat may pambili ng kapote.

Isa lang ito sa mga puwedeng solusyon sa tumitinding trapik sa Metro Manila. Palapit na ang kapaskuhan, kaya sigurado impiyerno na naman sa kalsada. Napansin ko nga na nagtatayo na ang mga magtitinda ng parol sa Quezon City. Kung nabigyan man sila ng permit, magdadagdag naman ito sa masama nang trapik sa lugar kapag namili na ang tao. Wala namang paradahan diyan kundi sa kalsada rin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with