^

PSN Opinyon

‘Si Lolo mahilig pa?’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

KAPAG ANG BATA nagsalita hindi mo dapat binabalewala dahil kadalasan hindi pa ito marunong magsinungaling at gumawa ng kwento.

“Nung una siyang dumaing na masakit hinayaan ko lang. Nung pangalawang sinabi niyang masakit ang ari niya saka na namin tiningnan,” sabi ni Delia.

Apat na taong gulang pa lang ang apo ni Delia Apostol na itatago namin sa pangalang “Lea” ang biktima ng pangmamaltrato.

“Nung papalitan ko na siya ng diaper huhugasan ko dapat ang ari niya. Sabi ng bata sa ‘kin wag daw hawakan ang ari niya dahil masakit,” kwento ni Delia.

Inakala ni Delia na dahil lang sa kakasuot nito ng diaper kaya sumasakit. Kinabukasan ininda na naman ng bata ang sakit ng ari nito. May kasamahan sa bahay si Delia na nagsabing tingnan nilang mabuti ito bakit nananakit.

Tinutukan nila ng flashlight ang ari ng bata at may nakita silang bakas ng dugo na parang may punit.

“Bakit sumakit yang p37pe7 mo?” tanong ni Delia sa bata.

“Lolo tusok,” sagot ni Lea.

Iminuwestra pa raw nito kung anong daliri ang ginamit ng lolo niya.

Kwento ni Delia madalas naman daw magpunta sa kanyang lolo itong si Lea. Hiwalay na sila ngunit kapitbahay niya lang din ito.

“Pader lang ang pagitan ng bahay namin. Pag-aari ko ang lupa. Nung araw na yun manonood lang daw siya sa laptop ng lolo niya kaya hinayaan ko,” ayon kay Delia.

Pilay si Delia pero siya ang dumidiskarte para may panggastos sila sa araw-araw. Nilagyan niya ng ilang kwarto ang kanyang bahay at pinarentahan ito.

Hunyo 19, 2015 bandang alas singko ng hapon ng magpaalam ang bata sa kanya. Pagkauwi nito huhugasan niya na sana ito.

“Huwag mong huhugasan p3kp73 ko. Sakit, dugo dugo,” sagot nito sa kanya.

Hindi niya ito pinansin ngunit nang sabihin nito kinabukasan na masakit at tinusok ng lolo niya ang kanyang ari ay dun na sila naalarma. Daliri raw ang ipinantusok nito.

Paulit-ulit niyang tinanong ang bata kung ano ang nangyari sa kanya ngunit iisa lang ang isinasagot nito. Tinusok umano ng kanyang lolo, masakit at dumugo.

Hindi naman kaagad nakapagsampa ng kaso sina Delia dahil na rin sa kanyang kalagayan.

Nang may kamag-anak silang dumalaw sa bahay ay saka na sila nagpasama sa istasyon ng pulis. Pilay si Delia kaya’t hirap din siyang kumilos-kilos at lumakad.

Sa salaysay ni Lea na ibinigay kay PO3 Gladys Joy Cabiltes ng Women and Children Protection Desk ng Mu?oz Police Station sa patnubay ni Delia inamin niyang tinusok siya ng kanyang lolo.

Tinanong siya kung ano ang isusumbong sa pulis ang sagot nito “Kulong Lolo”.

Tinusok daw ang kanyang ari gamit ang hintuturo nito. Tinanong siya ng pulis kung nasaan siya nang tinusok siya ng kanyang lolo.

“Dun bahay, di ako patok. Dun higa tabi Lolo, tusok p3kp7k ko,” sabi ni Lea.

Sumailalim naman sa medical examination ang bata upang masuring mabuti ang kanyang ari.

Kasalukuyang nakakulong ang asawa ni Delia sa Cabanatuan City Jail sa kasong ‘Statutory Rape’.

Ang inaalala ni Delia ay ang usap-usapang babalikan daw siya ng kanyang asawa kapag nakalaya ito.

Namamasada raw ng traysikel ang ama ni Lea kaya si Delia ang nag-aalaga sa apo.

“Yung anak ko parang ayaw maniwala na magagawa ng ama niya yun,” sabi ni Delia.

Babae raw ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay na mag-asawa. Sinasaktan din daw siya nito kaya hindi na sila nagkaayos.

Hindi rin daw ito nagtatrabaho nung magkasama pa sila at siya ang laging kumakayod para sa kanilang pamilya kaya napagpasyahan niyang hiwalayan na ito.

“Dumidiskarte ako. Nagma-manicure at nagkukulot ako maliban sa mga pinapaupahan kong mga kwarto rito sa bahay,” ayon kay Delia.

Kinukuha raw ng DSWD si Lea upang doon pansamantala ngunit ayaw ng bata. Ang isa sa suhestyon sa kanya ay kunin ng isang malapit na kamag-anak para mangalaga rito.

“Hindi muna siya dinadala sa kapatid ko dahil nag-aaral pa ng kinder. Pagkatapos ng pasukan kukunin na siya nito para mailayo sa asawa ko,” salaysay ni Delia.

Tanong ni Delia paano kung balikan nga siya ng asawa kung sakaling makalaya ito? May pagkakataon pa ba raw na makalabas ito ng kulungan?

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang Statutory Rape ay may katapat na ‘life imprisonment’ anong kinakatakot niya na babalikan siya? Kung natatakot sila dapat hindi na sila nagreklamo nung una pa lamang at hinayaan na lamang nilang magpagala-gala ang lolong ito at makapambiktima pa ng iba kung totoo ang lahat ng ibinibintang sa kanya.

Sa isang full blown trial ay kukwestiyonin diyan ang bata ng mga psychologist para na rin makita kung ito ba ay na-trauma pero kadalasan ang bata ay hindi nagsisinungaling.

Ngunit minsan ang imahinasyon ng bata ay lumilipad at minsan may mga magulang na ginagamit ito para sa iba pang kadahilanan. Ang lahat ng ito ay lilitaw at ang Hukom naman ay hindi bulag at matalino ito, susuriin at hihimayin kung sino ang dapat panigan.

Samantala Lolo, dyan ka muna hanggang dumating ang panahon, kung ikaw ay mapapawalang sala lalaya ka. Kung hindi naman sa New Bilibid Prison ang bagsak mo.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

 

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with