^

PSN Opinyon

One of a kind

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

BUONG Pilipinas ang namatayan nang pumanaw kahapon ang isang haligi ng lipunan sa larangan ng batas, demokrasya, at serbisyo publiko, ang kagalang galang na Senadora Miriam Defensor-Santiago.

Ang katulad ni Senadora Miriam ay minsan lang sa isang henerasyon masasaksihan. Bihirang bihira na maipagsama sa iisang pagkatao ang kanyang kombinasyon ng talino, integridad, sipag, tapang, at ang kakayahang mapagaan ang mga kritikal na usapin sa pamamagitan ng pagpapatawa.

 Noong una itong bumulusok sa ulirat ng lipunan noong 1980s, marami agad ang humanga. Kahit pa na-corner noon ni President Cory ang kasikatan, hindi nagpahuli ang RTC Judge na naging Commissioner of Immigration and Deportation. Dito unang nasilayan ng Pilipino ang kalibre ng Senadora nang nalinis niya ang imahe ng Bureau. Bentang-benta sa tao ang kanyang makulay na pananalita – isang katangian na tangay niya hanggang saang posisyong inabot.

 Maaalala ng mga bagong henerasyon na ito’y naging kandidatang Pangulo kasabay nina Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Jejomar Binay, Senadora Grace Poe at Secretary Mar Roxas nitong 2016. Sa aming mas senior, ang hindi namin malimutan ay ang kanyang unang pagtakbo sa pagka-Pangulo noong 1992 na, sa paniwala nang marami, siya talaga ang nanalo.

 Pinangatawanan ng Pilipino ang pagmamahal kay Senadora Miriam nang, noong 1995, pinadala nila ito sa Senado. Kung hindi man napakinabangan ng taong bayan ang kanyang kagalingan bilang Pangulo, dito naman bilang mambabatas ay talagang tumabo ang tao sa sulit ng kanilang boto kay Senadora.

 Hindi lamang ito naging lider sa pag-akda ng mga batas, higit dito ay tumayo siyang bantay laban sa  katiwalian at pag-abuso sa pamahalaan. Kung hindi kay Senadora, marami sanang anomalya ang nakalampas.

Dahil sa lahat ng nagawa niya para sa Pilipinas, sa mga karangalan at benepisyong natamo para sa atin at sa husay ng kanyang pagkagawa, ang pangalang Miriam Defensor-Santiago ay naging isang Brand name. Garantiya ito ng kalidad, kalibre, katapatan, katapangan at kasiyahan. 

Maipagmamalaki ko na nakilala ng aking 16 year old na anak si Senadora Miriam Defensor-Santiago.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with