^

PSN Opinyon

Barangay patulungin sa pagtipon ng buwis

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAY idadagdag sana ako sa panukala ni Speaker Pantaleon Alvarez na buwagin ang posisyon ng barangay councilmen at mga sangguniang kabataan. Mungkahi ko lang na patulungin ang barangay sa pagkolekta ng real estate property taxes. Ito’y para lumaki ang pondo ng barangay, na pakay din ng mga panukala ni Alvarez.

Ani Alvarez, kadalasan ay ang barangay chairman lang ang aktibong opisyal doon. Ang mga councilmen ay tumatanggap ng allowances, pero konti lang ang itinatrabaho. Kaya mabuti pa ay alisin na ang posisyon. Makakatipid pa ang barangay.

 Ang mga SK chairmen naman ay hindi maaasahan maging aktibo. Miski sila lang ang may allowance (wala ang SK members), kadalasan ay nag-aaral pa sila sa high school o college, kaya walang sapat na oras para sa SK. At saka, natututo lang sila maging tiwali sa murang edad. Kapag binuwag ang SK, makakatipid muli ang barangay.

Samantala, ang pangunahing income ng barangay ay ang parte nito sa koleksiyon ng probinsiya o lungsod ng real property taxes (RPTs). Kaso, mababa ang koleksiyon ng buwis na ito. Sa records, 47% lang ang natitipon ng mga probinsiya at 54% ang mga lungsod. Suma-total, kalahati lang ang aktuwal na nakokolekta. Kaya kalahati lang din ang naipaparte sa mga barangay.

Pero kung patulungin ang barangay chairmen o deputies nito sa pagkolekta, maariing lumago ang RPTs. Kapag lumago ito, malalakihan naman ang maipaparte sa mga barangay. Meron silang probetse, ika nga,

Ani Alvarez, imbis na barangay councilmen ang asahan ng chairmen, magtalaga na lang sila ng mga purok heads. Dagdag ko naman, patulungin mismo ang purok heads sa koleksiyon ng RPTs. Sila ang nakakakilala ng mga hindi nagbabayad sa kani-kanilang purok.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with