^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi malilimutan si Miriam

Pilipino Star Ngayon

MATAPANG at palaban. Iyan ang tatak ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Kapag nagsalita si Miriam, naroon ang tigas at walang pakiyime-kiyeme. Sinasabi kung ano ang nasa loob. Walang takot kahit sino pa ang mga kaharap. Naghahamon siya ng barilan at suntukan. Wala raw siyang aatrasan. Dahil sa matinding paglaban sa mga corrupt sa pamahalaan, tinagurian siyang “Iron Lady of Asia’’. Sanay na raw siyang mag-almusal ng “death threat”.

Kahapon, yumao na si Miriam sa edad na 71. Dalawang taon siyang nakipaglaban sa lung cancer. Siya mismo ang nagsabi na mayroon stage 4 cancer noong 2014. Tumakbo pa siyang presidente noong Mayo katambal si Bongbong Marcos. Isang buwan bago ang eleksiyon, sinabi niya na wala na raw siyang sakit kaya ipinasyang tumakbo sa eleksiyon. Kaya marami ang nabigla sa kanyang pagyao.

Sa isang interbyu bago ang kanyang pagsabak sa eleksiyon noong Mayo, sinabi niyang ang hangarin lamang niya kaya tatakbo sa pagka-presidente ay para mabago ang sistema ng pulitika sa bansa. Sinabi rin niya na nararapat baguhin ng bawat isa ang kanilang sarili para magkaroon ng pagbabago sa bayan.

Ang kanyang pagnanais na magkaroon ng pagbabago sa bansa ang dahilan kaya tatlong beses siyang tumakbo sa pagka-presidente. Una ay noong 1992 na napalunan ni Fidel Ramos. Tumakbo uli siya noong 1998 na napanalunan naman ni Joseph Estrada at panghuli noong Mayo na napanalunan ni Rodrigo Duterte.

Bago naging senador, naging trial court judge muna siya at naging Immigration commissioner. Tatlong sangay ng pamahalaan ang kanyang dinaanan kaya hindi mapapasubalian ang kanyang kakayahan. Walang makakapantay sa kanyang mga nagawa bilang lingkod-bayan.

Yumao si Miriam pero ang katawan lamang niya ang nawala. Ang alaala ng kanyang mga nagawa sa bansa ay hindi malilimutan. Laging sasambitin ang kanyang pangalan.

Paalam, Miriam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with