^

PSN Opinyon

Falsus in uno, falsus in omnibus

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BUONG pagpapakumbabang nag-sorry si Presidente Duterte sa tatlong local na opisyal kasama si Panga­sinan Rep. Amado Espino na nauna niyang idinawit sa droga. “Tao lang akong nagkakamali”, aniya.

Ito yung unang listahan ng mga opisyal ng pamahalaan at pulisya na umano’y protector ng negosyo ng illegal na droga. Ang pangamba ko lang ay ang pagkawala ng kredibilidad ng mga sumunod at susunod pang pagsisiwalat ng Pangulo. Kasama na riyan ang listahang kinabibilangan si Senador Leila de Lima na diumano’y nakinabang sa drug trade sa Bilibid nang siya ay Justice Secretary pa.

May kasabihan sa legal parlance na “Falsus in uno, Falsus­ in omnibus.” Ibig sabihin, kapag mali ang isa, mali na ang lahat. Kaya naman nang masilip ni Senadora de Lima ang “bukol” na ito ni Duterte ay agad siyang nag­patawag ng press conference at sinumbatan ang Pa­ngulo at ang mga taong nagsusubo rito ng mga maling impormasyon. Di maitago ang ngitngit ni Senadora dahil sa umpisa ay halos­ magsisigaw siya at sinabing, “sige, damputin na niyo ako at ikulong.” Pinatutsadahan ni de Lima ang Pangulo sa kanyang paghingi ng tawad sa mga taong idinawit niya sa droga na hindi naman napatunayan.

Naniniwala akong may mabuting intension ang Pa­ngulo sa kanyang giyera kontra sa droga. Pero tama si de Lima. Ang mga taong nagsusubo sa kanya ng mga walang katiyakan at ‘di beripikadong impormasyon ang siyang wawasak sa Pangulo.

Sa ngayon, taglay pa ng Pangulo ang tiwala at suporta ng maraming Pilipino na halos panatikong sumusuporta sa kanya. Ngunit kung ganyan nang ganyan ang mangyayari na makakagawa siya ng mga monumental blunder, tala­gang masisira ang kanyang kredibilidad. Sa tingin ko, hindi pa talaga sana’y ang Pangulo sa paghawak ng lideratong pambansa dahil magkaiba ang pagpapalakad ng lungsod at munisipalidad sa pagpapatakbo ng pamahalaang pambansa.

Sana naman, sana lang, pagpayuhan siya ng mga opisyal niyang higit na nakakaalam sa national leadership at sana’y huwag magmatigas ang Pangulo para sabihing hindi siya tumakbo para maging statesman kundi para maging Pangulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with