^

PSN Opinyon

May kredibilidad ba?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG beses nang dumalo sa Senado si Edgar­ Matobato, dating miyembro ng Davao Death Squad upang magbigay ng salaysay. Sa ikalawang pagdalo sa Senado, hinimay ang kanyang mga unang­ ipinahayag, para malaman kung kapani-paniwala at may kredibilidad siya. Maraming senador ang gustong magtanong kay Matobato, para ilarawan siyang walang kredibilidad. Ganun ang proseso.

At may mga lumabas nga na pabagu-bagong mga pahayag mula kay Matobato. Siya mismo ang nagsabi na nalilito na siya. Hindi ito nakakatulong sa kanyang kredibilidad. Magagaling na abogado ang nagtatanong sa kanya, kaya kailangan niyang patunayan nang husto ang kanyang mga pahayag. May mga nagsimulang mag-imbestiga na rin sa buhay ni Matobato, para mas makilala siya. Lumalabas na may mga pagkakaiba sa pagkakakilala sa kanya ng mga dati niyang kapitbahay at kasama sa buhay, at ang kanyang ipinahayag sa Senado.

Pero ayon kay Sen. Antonio Trillanes, kusang nag-imbistega rin sila at may mga nadiskubreng detalye na magbibigay katotohanan sa mga pahayag ni Matobato. Wala pang isinisiwalat ang senador tungkol sa mga detalyeng iyan. Baka sa susunod na pagdinig sa Senado na lang isisiwalat. Ang kailangan nga ni Matobato, kung paniniwalaan siya, ay may magsalita na magbibigay suporta sa kanyang mga mabibigat na sinabi. Sa ngayon, wala pang lumulutang para suportahan siya. Nasabi ko noon na baka mahirap nang mangyari iyan at baka matakot lang ang magsasalita, kung meron man. Malalaman na lang natin kung may nakausap si Trillanes na handang magsalita na rin sa Senado.

Mabuti na lang at ipinagpatuloy ng bagong chairman ng komite na dating hawak ni Sen. Leila de Lima ang pagdinig sa extrajudicial killings. Kung may mga detalye si Trillanes, dapat mabigyan ng pagkakataong marinig rin ang mga ito. Tiyak na hihimayin naman ng ibang senador ang mga de­talyeng ito kapag lumabas na. Habang patuloy na dumadalo si Matobato sa Senado, magpapatuloy rin ang pagtanong sa kanya. Sa katapusan, ang komite pa rin ang magdedesisyon kung bibigyan ng timbang ang mga pahayag niya o hindi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with