^

PSN Opinyon

Necessary evil

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SI Presidente Duterte, sa tingin ng iba ay masama dahil sa kanyang malalaswang pagmumura at sa impresyon ng daigdig na ang mga criminal ay ipinapapatay niya nang hindi nagdaraan sa proseso ng batas.

Sa Matandang Tipan ng Biblia, ang mga  Hudyo na “chosen people” of God ay pinabayaan ng Dios na sakupin at gawing alipin ng mga emperyong malupit at walang dios gaya ng Babilonia para mapagtanto ang kanilang kasalanan at magbalik-loob sa Diyos. Hindi ko ibinoto si Duterte  dahil  sa kanyang hindi kanais-nais na bokabularyo. Pero bilang isang tagapagmasid sa mga nangyayari sa kanyang liderato, ikumpara natin ang kalagayan ng bansa ngayon sa nakaraang administrasyon.

Noong araw, sangkatutak ang nabibiktima ng “laglag bala” sa pandaigdig na paliparan. Nawala ito agad sa rehimen ni Duterte. Ang Freedom of Information law na ayaw pagtibayin ng nakaraang administrasyon ay pinirmahan ni Duterte kahit bilang isa lamang administrative order para magkaroon ng access ang taumbayan sa mga nangyayaring transaksyon sa gobyerno at mabawasan ang puwang sa paggawa ng anomalya ng mga opisyal.

Nagkaroon ng indefinite ceasefire ang pamahalaan sa MNLF, MILF, CPP-NDF dahil sa pursigidong peace talks na pinasimulan ng administrasyon. Nagtalaga rin ang gobyerno ng Sentralisadong complaint and action hotlines - 911 and 8888.  Mayroon na ring one stop shop para sa OFW sa POEA para sa mabilis na pagproseso sa mga kailangan nilang papeles.

Kulang ang espasyo natin para banggitin lahat ang mga naipatupad na reporma ni Duterte kaya iyan na lang muna.  Kung hindi dahil sa “walang modong sanggano” na si Digong, hindi mailalantad ang lawak at lalim ng problema sa droga na ang mga kasangkot ay mismong mga matataas na opisyal ng pulisya at mga halal o hinirang na opisyal.

Yung mga panukala para sa mga ordinaryong tao na hindi pinag-ukulang pansin ng nakaraang administrasyon ay inasikaso ng administrasyong ito gaya ng P2 libong dagdag na pension  ng mga kasapi sa Social Security System na bagamat aprobado na ng Senado at Mababang Kapulungan ay hindi nilagdaan ng Presidente noon.

Hindi perpekto ang gobyernong ito. May upside ang downside. Dahil sa labis na pagkamakabayan ni Duterte,  nagalit sa atin ang international community at ang pamumuhunang dayuhan sa bansa ay naapektuhan. Pero naniniwala ako na ang lahat ng proseso sa pagbabago ay may kaakibat na sakit lalu pa kung ang inihalal na leader ay may matigas na political will at “non-compromising.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with