Mabuhay kayo, PLDT and Smart Communication
NATUTUWA ang mga pasahero ngayon sa apat na NAIA terminals dahil sa sobrang bilis ngayon ng internet todits bukod pa sa libre ang wi-fi.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong nakaraan administrasyon hindi binigyan pansin ito ng mga nakapuesto rito kaya pati ang isyu sa laglag-bala extortion scam ay pinalala muna bago nagsikilos ang mga bright boys sa MIAA.
“Kaya hayun ‘worst airport’ ang NAIA.’sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Anyway, kambiyo issue, ang wi-fi ngayon sa NAIA ay mabilis, nagagamit ng maayos at ang pinakamahalaga ay nakikita ang mga pasahero rito na nakangiti hindi katulad noon nakaraan administrasyon nakasimangot sila.
Sa wakas nagkaroon ng malasakit sa madlang pasahero at maging sa mga taga - MIAA ang bagong pamunuan ng airport na itinalaga ni Boss Digong kaya naman ang mga ito ay hindi nagpapabaya sa kanilang tungkulin.
Sabi nga, tawagin mo andyan sila!
‘Noon nakaraan administrasyon tawagin mo, WALA sila.’ Hehehe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naglagay pala ang PLDT at Smart Communications ng high speed internet sa connectivity services sa kanilang carrier grade wifi.
Sabi nga, may 1 gigabit per second ang nakalaan na internet wifi kaya sobrang bilis at magagamit ito ng 3,000 pasahero ng sabay-sabay sila.
“This state-of-the-art communications infrastructure will help boost the country’s tourism industry. Today’s travelers are constantly online and rely on mobile apps for information and services that make their trips more enjoyable and productive.’ sabi ni PLDT at Smart chairman, president, at CEO Manuel V. Pangilinan.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang PLDT at Smart Communication ay nag-rolled out ng carrier-grade Wifi service sa 11 regional airports, na napakinabangan ng may 15 million passengers. Nagawa ito sa isang memorandum of agreement sa Department of Transportation na maglagay ng high speed wifi service sa mga to install high-speed Wifi service sa key transport hubs sa buong bansa para sa 100 days ng Duterte Administration
Ang unang pag-deploy ng carrier-grade Smart Wifi ay nasa Davao City Francisco Bangoy International Airport, ito ay sinundan sa pamamagitan ng higit rollouts sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental, Bacolod-Silay International Airport at Iloilo International Airport, Roxas Airport, Zamboanga Airport, Clark International Airport, Dumaguete-Sibulan Airport, Laoag International Airport, General Santos International Airport, Kalibo International Airport.
Ang Smart Wifi ay naka-install sa Batangas International Port sa Batangas City, at Calapan City Port sa Mindoro. Ang mga isinusunod ay ang Caticlan sa Boracay, Puerto Princesa sa Palawan, at Tagbilaran sa Bohol. Samantala, ang High-speed internet ay naka-install sa terminal ng MRT at LRT sa Metro Manila.
“This partnership with the government is a great example of a public and private partnership for the benefit the public. With the installation of Smart Wifi in NAIA, we are on track to meeting our commitment to government to make available carrier-grade Wifi services in major transport hubs all over the country, which will be a boon to domestic and international tourism,” ayon kay Eric R. Alberto, EVP for PLDT/Smart, and president and CEO, ePLDT.
Naglaan ang Smart ng P1 billion para sa first phase ng deployment ng carrier-grade Smart Wifi. Ito ay kabilang sa PLDT Group’s P48-billion capital expenditure program para sa 2016, na nakatuon para pagbutihin ang data connectivity sa Philippines my Philippines gamit ang fixed at wireless services.
‘Oh, ano ngayon?’
Gamit na!
- Latest