^

PSN Opinyon

Di alam ang trapik

BANAT NI BATUIGAS - Pilipino Star Ngayon

KAYA pala hindi maipagkaloob ang ‘emergency power’ na hinihiling ni Secretary Art Tugade ay dahil hindi alam ng mga tongressmen este congressmen kung anong lugar ang trapik. Hindi kasi sila naglilibot sa kanilang mga nasasakupan para arukin kung alin lugar ang trapik at kung gumala man sila’y sangkaterba ang  motorcycle escort na MMDA, PNP-HPG, local traffic enforcers na tagahawi sa motorista. Ang EDSA ang pangunahing kalsada na binabatikos araw-araw dahil sa sobrang trapik. Ngunit ilang lungsod ba ang nakakasakop dito? Kahit punuin man ng PNP-HPG, MMDA at Philippine Coast Guard personnel ang kahabaan ng EDSA hindi luluwag dahil ang bawat lungsod maliban sa Makati ay walang parking­ area.

Kaya kung may kooperasyon at masusing pag-uusap  lamang ang mga tongressmen este congressmen at mayors na makapagpatayo ng mga high level parking building tiyak na mawawala ang sagabal sa kalye at bibilis ang trapiko sa Metro Manila. Maging sa Baguio City Pangasinan, Bulacan, Nueva Ecija, Batangas, Laguna, Cavite, Cebu City, Davao City,  Iloilo City at  Roxas City ay trapik din. Hindi naman masisi ang mga mamamayan na bumili ng sasakyan kasi takot sila na mabiktima ng mga kriminal sa kalye. Ang dapat atupagin ngayon ng mga tongressmen este kongresman at mayors ay magkaroon ng high level parking building para maalis ang mga sagabal sa kalsada.

* * *

Biglang sumulpot ang sakla operator na si alyas JM sa Quezon City at marami siyang natapakan. Nakatingin kay NCRPO chief Supt. Oca Albayalde ang mga karibal ni JM sa negosyo dahil sa pangalandakan nito na bagyo siya rito. Naiparating na kay Albayalde ang panana­lasa ni JM sa Quezon City subalit wala pang aksiyon ng NCRPO chief. Ibig kayang sabihin nito, totoo ang ipinagyayabang ni alyas JM? Dahil sa pagpasok ni JM, nangulelat ang mga kapwa niya financiers na sina Gaspar at Lucy. Maraming tauhan nina Gaspar at Lucy ang nganga sa ngayon. Ang ibig kong sabihin, wala silang mga trabaho sa ber months. Malapit na ang Pasko at kapag walang trabaho ang mga tauhan nina Gaspar at Lucy baka sa ilegal na droga ang bagsak nila at madagdagan pa ang problema ni President Duterte. Madadamay din si Albayalde at darami ang hahabulin ng kanyang mga pulis.

Para sa kaalaman ni Albayalde, si Lucy ay dating nag-ooperate sa Talipapa, Novaliches na sakop ng Station 3 ng QCPD samantalang si Gaspar naman ay sa sakop ng Station 1, QCPD. Subalit biglang pumasok sa kaharian nila si alyas JM at naiwan sina Gaspar at Lucy na tulala. Baka mas malaking lingguhang intelihensiya ang ipinapasok ni JM sa CIDG, NCRPO, QCPD, NBI, OIS ni Interior Sec. Mike Sueno at iba pa kaya hindi siya mapahindian ng mga ito? Kapag pitsa na ang lumakad walang gustong humarang. Ang malakas na puwesto ni alyas JM ay sa Baesa Mendez sampalukan, sa palengke sa Balintawak, sa Sto. Cristo sa Balintawak din, sa Kaingin Bukid at sa Kaingin din sa San Fernando, lahat sa Quezon City. Sa pagkaalam ko, naiparating na kay Albayalde ang mga puwesto na ito ni alyas JM subalit hanggang ngayon ay hindi pa kumikilos si Sr. Supt. Ely Matta, ang NCRPO intelligence na supilin ang mga ito. Kahit huli man, nais kong batiin si Col. Matta sa kanyang promotion! Col. Matta, suklian mo ng trabaho ang promotion mo. Birahin mo na ang saklaan ni alyas JM!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with