^

PSN Opinyon

Teknolohiya ng baterya

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGKAROON ng sunog sa isang paradahan sa Araneta Center noong Sabado ng umaga. Ayon sa mga imbestigador, ang pinagmulan ng sunog ay ang sasakyang de-baterya na kinakargahan. Tinatayang P10 milyon ang halaga ng pinsala. Dahil dito, sinuspindi na muna ang paggamit ng mga de-bateryang sasakyan sa Araneta Center, habang iniimbestigahan kung bakit nasunog ang kinakargahang baterya ng sasakyan.

Hindi lang ito ang insidente ng mga problema sa mga de-bateryang kagamitan. Isang modelo ng cell phone ang hindi na puwedeng buksan o gamitin sa loob ng mga eroplano, dahil sa problema nito sa baterya. Ilang insidente na ang naitatala kung saan nasunog ang ba­terya ng cell phone. Ang kumpanya na mismo ang naglabas ng pahayag na binabawi nila ang modelong ito.

Hindi pa rin talaga perpekto ang teknolohiya ng ba­terya. Ang direksyon ngayon ay ang paglikha ng magaan at maliliit na baterya. Ang laki at bigat ng mga baterya ang naging balakid noon ng mga kagamitan na puwede sanang dalhin kung saan-saan. Siguro naaalala ninyo ang mga unang cell phone na napakalaki at napakabigat, dahil sa baterya. Unti-unting lumiit ang mga baterya, pati na rin mga cell phone. Ngayon, ang hangad naman ay mga maliliit at payat na baterya, pero malalakas at mahaba ang buhay. Baka dito na sila nagkakaroon ng problema.

Ang baterya nga ang laging balakid ng mga sasak­yang de-kuryente. Para makatakbo ng mabilis at malayo ang de-kuryenteng sasakyan, kailangan ng napakarami at napakabigat na baterya. Pero gumaganda na rin ang teknolohiya ngayon. May mamahaling sasakyan na nga sa merkado, ang Tesla, na ang tanging gatong lamang ay baterya, na lumalaban sa mga kilalang tatak tulad ng Ferrari at Lamborghini. May mga karera na rin ngayon ng mga de-kuryenteng sasakyan. Pero kahit gumaganda na ang teknolohiya ng baterya, may mga dapat pa ring alalahanin. Sundan ang tamang oras ng pagkarga ng baterya. Depende ito sa kumpanyang gumawa, kaya dapat sundan. Huwag din pabayaang masobrahan ng karga, at huwag ding pabayaan lang. Parang kandila iyan, dapat bantayan. Mabuti na talaga ang maingat, lalo na ngayon kung saan napakarami nang pang araw-araw na kagamitan ang pinatatakbo ng baterya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with