^

PSN Opinyon

NFA siguruhin na lang ang sapat na pagkain

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DAPAT na ngang patigilin ang National Food Autho­rity sa pag-i-import ng bigas, at sa pagbili ng palay sa magsasaka sa mataas na presyo para ibenta ang bigas sa palengke nang mura. Tama ang balakin ng Gabinete na ipaasikaso na lang sa ahensiya ang pagbantay sa presyo ng bigas at mga gulay, at siguraduhin ang sapat na supply ng pagkain.

Sa kaaangkat ng bigas, nangungulimbat lang ang mga pinuno ng NFA. Nu’ng Panguluhan nina Gloria Arroyo at Noynoy Aquino, bumili ng labis-labis na overpriced na bigas mula Thailand at Vietnam taun-taon. Nu’ng 2013-2014 halos P3.4 bilyon ang labis na presyo ng pag-angkat ng NFA, kumpara sa nakapaskel na mga halaga sa public websites. Hindi lang ‘yon, pati cargo handling ay overpriced nang mahigit P1 bilyon. Kanino napunta ang pera, na hindi man lang inimbestigahan ng “Daang Matuwid” ni Aquino.

Sa pagbili nang mahal ng palay at pagbenta ng murang bigas, nalulugi lang ang NFA. Tayong mga mamamayan ang nagbabayad ng P165-bilyong pagkakabaon nito sa utang. Tama na! Ipaubaya na lang sa pribadong sektor ang pag-import ng bigas, at pagkalakal ng palay.

May 50% buwis sa pag-import ng bigas. Kung ibibigay ito sa mga negosyante, magbabayad sila ng P25 bilyon kada taon sa bawat P50 bilyong halaga ng imported rice. Syempre magtataas sila ng presyo, pero hindi sobra dahil maraming kakompetensiya. At kapag medyo mahal ang bigas, matututo ang mamamayan ng huwag maaksaya.

Samantala, ang P25-bilyong taunang buwis ay ma­gagamit sa pagpapasagana ng lokal na ani. Maraming palayan ang mapapatubigan. Mas makakapag-subsidize ang gobyerno ng murang pataba at pestisidyo. Makakagawa ng maraming patuyuan, imbakan, at pamilihan ng palay at bigas. Mumura ang presyo nito kung dagsa ang ani.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with