^

PSN Opinyon

Emergency powers para sa nararapat

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MALI! Ang hinihinging emergency powers pala ni President Rody Duterte sa paglutas sa trapik sa Mega Manila ay pang-kontrata ng infrastructures. ‘Yun ang sabi ni Transport Sec. Arturo Tugade sa Kongreso. Tila hindi pala ka­ilangan ng emergency powers para, halimbawa, sapilitang repormahin ang sistema ng prankisa ng public utilities, isa­ilalim sa isang pinuno ang apektadong local government units, patalsikin ang mga hadlang sa daan, o iba pang dapat mabilisang magawa.

Allergic ang mga Pilipino sa emergency powers sa kontratahan. Nang huli itong ipinairal, nu’ng Panguluhan ni Fidel Ramos, masama ang idinulot. Paspasang nangon­trata noon ang Napocor nang maraming power generators sa ilalim ng insentibong “take and pay.” Kinalaunan, tumaas ang presyo ng kuryente, dahil binayaran ng con­sumers ang supply miski hindi ito kailangan o ginamit.

Ngayon, sa emergency powers para sa trapik, nais ni Tugade i-shortcut ang batas sa pagkontrata ng public works tulad ng tulay o kalye, at pag-extend ng commuter railways. Aba’y malamang na maabuso ang kaluwagang hinihingi niya. E kung wala pa ngang emergency ay winalanghiya na ng dating Aquino administration ang sektor ng transportasyon, e di lalo pa kung may emergency powers.

Hindi ako tutol sa emergency powers. Nais ko lang ay gamitin ito sa nararapat na gawin. Halimbawa, kanselahin lahat ng prangkisa ng mga bus at jeepney at baguhin ang mga ruta para hindi sila nagsisiksikan sa iilan. Isa pa, sapili­tang pabuksan ang gates ng mga exclusive subdivisions sa gilid ng mga baradong kalye, tulad ng EDSA. Umupa rin ng mga kabataan para bantayan na hindi paradahan ang side roads tuwing rush hours, at marami pang ibang pampaluwag.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with