^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Customs, mabagal bumanat sa mga korap

Pilipino Star Ngayon

NOONG Hunyo 30 na inagurasyon ni President Rodrigo Duterte, matapang niyang sinabi na isa ang Bureau of Customs (BOC) sa mga pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan. Binalaan niya ang mga corrupt na opisyal at empleado rito, Nagbanta siya na wawakasan na ang corruption dito.

Tama si Duterte sa pagsasabing isa sa pinaka-corrupt ang Customs. Sa sobrang katiwalian ng tanggapang ito, pati janitor at guwardiya ay nag­kakapera sa maruming paraan. May report noon na ang pinakamababang empleado rito na kumikita ng P10,000 bawat buwan ay nakabili ng ilang paupahang apartment at mayroong sasak­yan. Paano makakabili ng paupahang apartment at sasakyan ang empleadong mahigit P10,000 ang suweldo?

Ayon din sa report, maraming empleado sa Customs ang tinatawag na “15-30”. Nagrereport lamang kung a-kinse at a-treinta ng buwan ang empleado at pinalalabas na nakadestino sa Surigao. Pero ang totoo, nasa condo lamang niya ang empleado. Sumusuweldo ng P60,000 ang corrupt na empleado. Kasabwat niya ang kanyang hepe sa katiwalian.

Kahit na lantarang sinabi ni Duterte na corrupt ang Customs, mabagal naman ang ini-appoint niyang Commissioner na si Nicanor Faeldon. Apat na buwan na ang nakalilipas mula nang ilagay si Faeldon, mga maliilit na empleyado ang nahuhuli niyang gumagawa ng katiwalian. Mabagal humuli ng mga corrupt si Faeldon.

Noong Huwebes, pinagmalaki ni Faeldon na 14 na empleado ng Customs ang sinuspende niya dahil sa undervaluation ng 469 fire trucks na binili ng Bureau of Fire Protection. Ayon kay Faeldon ang mga empleadong sinuspende ay pawang assessors at examiners.

Ito lang ba ang kaya ni Faeldon? Mas matutuwa ang sambayanan kung malalaking isda ang dadakmain niya. Doblehin niya ang pagtatrabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with