^

PSN Opinyon

Isang diktador, hindi bayani

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

Ako’y sumasang-ayon sa sigaw ng ating mga kababayan na hindi dapat ilibing ang diktador na si dating President Ferdinand E. Marcos sa libingan ng mga bayani. Noong Setyembre 21, 1972, nagdeklara ng martial law sa buong bansa. Maraming kababayan natin ang nagdusa ng panahong iyon.  Nakakalungkot isipin parang hindi alam ng ating mga kabataan ngayon kung ano ang nangyari sa ating bayan noong panahon ng martial law.

Mabuti naman at naglabas muli ang Korte Suprema ng TRO na ipagpaliban muli ang paglilibing sa diktador.  Ang gusto ni Imelda Marcos na mailibing si Apo Lakay sa araw ng kanyang kapanganakan, ngunit hindi ito natupad dahil sa TRO ng Supreme Court. Para sa akin baka magkawatak-watak na naman tayo pag itinuloy ito, may posibilidad na bumalik tayo sa dati.

Gusto ba ni President Digong na maulit muli ang  nangyari noon sa ating bansa? Alam ko itong si Digong gustong ilagak ang labi ni Marcos sa libingan ng mga bayani, yan ang sinasabi niya noong panahon ng kampanyahan. Alam kong sanggang dikit ang Presidente at si Bongbong Marcos. Ipagwalang bahala na sana ni Digong ang paglapit-lapit sa kanya ang isipin na lang ay ang kapakanan ng nakararami. Parang narinig ko na si Marcos ay matagal nang nakalibing sa Batac, Ilocos Norte, hindi ako sigurado kung totoo ang balitang ito. Ang sigurado ako pag natuloy ang paglilibing sa libingan ng mga bayani baka  magkaroon muli ng people power na puwedeng mapatalsik si Digong sa puwesto.

Ayaw kong si Leni Robredo ang maging presidente sapagkat hindi pa niya kaya ang mamuno sa pinakamataas na puwesto.  Ang kailangan natin ay presidenteng may kamay na bakal, kinakatakutan ng masasamang loob.  Alam kong maganda ang ginagawa ni Digong sa ating bansa hindi natatakot lumaban sa mga bumabatikos mapaloob o labas ng bansa, huwag mag-alala sa mga taong ito.  Sa pagkakataong ito, ako ay napahanga sa pamamalakad ng ating gobyerno.

Ang Korte Suprema ay nagbigay ng tamang desisyon sa pagkakataong ito anuman daw ang maging hatol ng Kataas-taasang hukuman ay hindi makikialam ang presidente.  Sana pakinggan ng Korte Suprema ang sigaw ng ating mga kababayan na…

 “Never Again”!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with