^

PSN Opinyon

Palabas na ba ang mga kapitalista?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Palabas na nga ba ang pera ng mga dayuhang kapitalista? Tila ito na raw ang nagaganap sa stock market ilang araw na.  Ayon sa Bloomberg, nasa $344.8 milyon ang lumabas na ng bansa sa isang buwan. Ayon sa isang analyst, baka hindi kumportable ang mga kapitalista sa mga pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte, partikular ang kanyang makukulay na salita at batikos laban sa US, sa UN at ngayon pati na rin sa European Union.

Parang hinihintay na muna ng marami kung ang mga magagandang plano ng administrasyong ito ay maipapatupad, at kung hindi magbabago. Ayon sa Standard & Poor’s, hindi makakaasa ang Pilipinas ng upgrade sa loob ng dalawang taon. Talagang marami ang gusto munang makita kung ano nga ang mangyayari sa Pilipinas, sa ilalim ni Duterte. Nagpahayag naman si Duterte na wala siyang pakialam kung ito ang opinion ng Standard & Poor’s, at mag-alisan ang mga Amerikano dahil hinihintay daw siya ng China at Russia. Mas mahinahon naman ang pahayag ng mga miyembro ng kanyang Gabinete, na wala naman daw nagbago sa mga patakaran ng bansa, at patuloy pa rin ang paglakas ng ekonomiya. Ilang beses na rin kasing nagpahayag si Duterte na magkakaroon na ng sariling patakaran ang Pilipinas, na tila palayo na sa mga dati nating kaalyado, tulad ng US.

Mukhang kampante na talaga si Duterte mawala na ang US, dahil ayon sa kanya, nandyan naman ang China at Russia. Pero ito ba ang gusto ng mga negosyante sa bansa? Kung sakaling magbago nga ang rating ng Pilipinas, dahil sa pagbabago ng foreign policy, mas makabubuti ba ito sa bansa, o hindi? Dalawang taon ang binibigay na panahon ng S&P, para makita na muna kung ano ang mangyayari. Baka wala pang isang taon, magbago na nga ang mga patakaran ng bansa.

Ang ekonomiya ng bansa ang sukatan kung maganda ang pamumuno. Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry, maganda raw ang kasalukuyang madugong kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga. Wala raw pakialam ang mga negosyante kung kalahati ng populasyon ng Pilipinas ang nagpapatayan, basta hindi raw apektado ang mga negosyante. Parang napakabigat naman ng pahayag na iyan. Kung nagpapatayan ang kalahati ng populasyon, sigurado ang kalahati ay nagtatago sa takot, hindi ba? Paano magiging maganda iyan para sa ekonomiya kung 50 milyong Pilipino ang nagpapatayan?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with