^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kampanya sa illegal drugs, tapangan pa

Pilipino Star Ngayon

Maraming drug addict sa bansa. Kahit marami nang nagsisuko at gusto nang magbagumbuhay, maliit na porsiyento lamang ito sapagkat marami pa rin ang ayaw lumantad. Wala pang napapabalitang mayayamang addict na sumurender. Mayroon na bang sumukong addict mula sa mga mayayamang subdibisyon sa Makati? Wala pa. Pawang ang mga sumusuko ay nagmula sa mga squatters area sa Maynila, Quezon City, Pasig at Pasay City. Nagsisiksikan sila ngayon sa rehabilitation centers.

Sa latest survey ng Dangerous Drugs Board (DDB), umabot na sa 1.7 milyon ang mga Pinoy na drug users. Ang surbey ay ginawa pa noong nakaraang taon. Sa survey ng DDB, lumalabas na ang mga gumagamit ng illegal drugs ay mula edad 10 hanggang 69.

Ang pagkakaroon nang maraming drug users ay isinisisi sa kahinaan ng implementasyon ng anti-drug policies at ang mabagal na pagsira sa mga nakukumpiskang droga. Dahil sa kabagalan, nire-recycle ng mga corrupt na pulis at iba pang anti-drug inforcers ang mga nakukumpiskang droga. Ibabalik nila ito sa kalye at muling ibebenta. Paikut-ikot lang ang droga at pinagkakaperahan ng mga corrupt na pulis.

Binanggit ng DDB sa kanilang survey na mara-ming nagiging drug addict dahil sa kakaibang karanasan na dulot nito at marami rin namang nahihikayat ng mga kabarkada na tumikim ng droga.

Malaking problema ang illegal na droga sa bansa. Mahirap maawat sapagkat sangkot ang mga pulitiko, police officials at iba pang maimpluwensiya. Nakapasok na ang narco-politicians. Maski sa New Bilibid Prisons (NBP) ay namamayagpag ang drug lords. Kahit nakakulong, patuloy ang drug lords sa kanilang negosyo at kayang magbigay ng pondo sa mga pulitiko at pangtapal sa mga corrupt na BuCor officials.

Kung hindi mapipigilan ang drug syndicates, darami pa ang users at masama ang kahihinatnan ng bansang ito. Suportahan ng mamamayan ang pagwasak sa mga sindikato ng droga at protector nila. Tapangan pa ang kampanya sa illegal na droga para mawakasan na ito nang lubusan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with