^

PSN Opinyon

Ayusin muna ang isyu sa karagatan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGPALIWANAG si AFP Chief of Staff Gen. Ricardo Visaya na walang utos mula kay Pres. Rodrigo Duterte na bumili ng mga armas sa China. Ang utos ay “tumi­ngin-tingin” lang muna. Halos lahat ng armas ng AFP ay galing sa US, ang pinakamatagal nating kaalyado, at pinakamalaking pinanggagalingan ng tulong-militar. Pero dahil sa mga naganap nitong mga nakaraang buwan kung saan mga maanghang na salita at batikos ang binitawan ni Duterte laban sa US, na sinegundahan naman ni DFA Sec. Perfecto Yasay na hindi raw puwedeng manatiling “little brown brother” ang mga Pilipino sa mga Amerikano, parang tumitingin na nga ang administrasyong ito sa ibang pwedeng panggalingan ng gamit-mi­litar tulad ng China at Russia.

Siguro dapat munang maresolba ang problema sa karagatan, bago isiping bumili ng kagamitang militar sa China. Paano kung nakabili na nga, tapos tuluyang inang­kin na ang lahat ng isla sa karagatan? Paano kung magsimula nang maglikha ng isla sa Panatag Shoal? Makakabili pa kaya ng mga bala, piyesa para sa mga armas at kung anu-ano pa? Ganito ang nangyari sa mga eroplanong pandigma na binili ng Iran noong magkaibi­gan pa ang kanilang gobyerno at US. Noong hawak na ni Ayatollah Khomeini ang Iran, wala nang mabiling piyesa sa Amerika para sa mga eroplano.

Nanalo ang Pilipinas sa inangat na kaso sa Permanent Court of Arbitration. Ayon sa korte, walang batayan ang mga inaangking isla ng China, pati na rin ang tinatawag na “Nine Dash Line” nila. May karapatan din ang Pilipinas na makinabang sa Exclusive Economic Zone (EEZ), at hindi dapat hinaharang ng China. Pero lahat nang isyu na ito ay lagi na lang iniiwasan, pati sa katatapos na ASEAN summit. Ang Amerika pa nga ang laging nagbabanggit na dapat galangin ng lahat ang desisyon ng korte, kasama ang China. 

Kung ang gustong mangyari ng administrasyon ay pantay na ang turing ng US sa Pilipinas, dapat ganun din ang China sa atin. Dapat may respeto sa internasyonal na batas. Dapat may respeto sa EEZ. Dapat hindi na tinataboy o hinaharang ang ating mga mangingisda sa Panatag Shoal. Kung talagang gustong gumanda ang relasyon ng dalawang bansa, itong isyu na muna ang dapat maayos. Maraming magandang mangyayari kung maayos ang turing sa isa’t nisa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with