^

PSN Opinyon

Sta. Cruz, Zambales going “GREEN”

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAHIGIT dalawang dekada na rin nagsisilbi bilang malandi este mali alkalde pala si Mayor Chito Marty ng Sta. Cruz, Zambales, kaya naman iba’t-ibang klase na rin ng mga pulitiko ang nakasalumuha niya.

Sabi ni Mayor Marty, isa lang ang lagi niyang sukatan, kung ano ang gusto ng madlang constituents niya.

Hanep ha!

Sa totoo lang, dahil dito tumagal siya bilang alkalde ng Sta. Cruz.

Sabi nga, iba na ang marunong makibagay sa tao!

Marami na raw siyang nakitang mga pulitiko na sobra kung mangako. Iba nga raw tuwang-tuwa pa sa pagi­ging bolero.

Dito sa Sta. Cruz, makikita ang malalaking mga minahan.

Dati raw tutol siya rito pero ito ay negosyong dinedesisyunan sa itaas dahil raw sa malaking kontribisyon nito sa pambansang kabang-bayan.

Ang mga nagmaniobra raw nito ay nasa poder pa ngayon.

Ngayon pinatigil na mismo ng DENR ang operasyon ng mga minahan sa Sta. Cruz.

Ayon kay Mayor Marty, kahit buksan muli ang mga minahan ay hindi na sila papaawat kahit ang ipatupad ang mga batas at ordinansa na nakatuon sa proteksyon ng ating kalikasan.

Ito raw ang pulso ng madlang people ng Sta. Cruz.

Kaya nga si Felino Palafox, isang arkitekto at kilalang environmentalist, mismo ang kanilang kinausap para sa pagpa-plano ng kanilang poblacion.

Kabalikat din ni Mayor Marty ang mga lider barangay para tiyakin maibalik ang mga nawalang kagubatan.

Itutuloy nila Mayor Marty at constituents ang National Greening Program pero bukod sa mga indigenous na puno, dadamihan nila ang pagtatanim ng mga fruit trees.

Korek ka dyan Mayor!

Ibinida ni Mayor Marty, na kasama ang kanilang bayan na may pinakamasarap na mangga sa Philippines my Philippines.

Pero yong pagiging ‘berdeng utak’ daw ng Sta. Cruz ay hindi talaga dapat mapako sa  pagkalinga sa mga bundok at kagubatan.

Tirada ni Mayor Marty, ang tagumpay ng programang pangkalikasan ay kung ang “berdeng utak” ng kaniyang mga kababayan ay nasa pang-araw araw na pamumuhay nila.

Ngayong lumalaki na ang kanilang mga taniman, sisiguraduhin daw ng pamahalaang bayan na hindi lang dagdag na ‘ani,’ kundi ang kanilang programa ay nakatuon sa wasto at tamang pamamaraan ng pagsasaka.

Hindi na rin daw sila aasa sa iba para tiyakin tagumpay ang coastal resources management ng Sta. Cruz.

Buong suporta naman daw ang mga mangingisda sa kaniyang programang gawin protected area ang malaking bahagi ng West Philippine Sea na sumasakop kanilang bayan.

Natuwa raw kasi ang madlang people nang dahil sa mga tinanim na bakawan dumami ang mga alimango at isda sa kanilang lugar.

Gusto rin nilang makilala ang Sta. Cruz bilang isang pangunahing destinasyon ng mga turista.

Pero hindi lang dahil sa kanilang mga magaganda palanguyan.

Sabi ni Mayor Marty, mas maipagmamalaki nila na ipakita ang ganda ng isang maliit na bayan na sama-samang nagtutulungan ang madlang people para mapangalagaan ang kanilang kalikasan.

‘Tumpak!’ Hindi ba mas maganda iyon?

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with