^

PSN Opinyon

Balik Pilipino Star NGAYON

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MASAYA ako dahil naanyayahang muli ang inyong lingkod para sumulat  sa isang malawak na tabloid  sa buong bansa. Kung maaalala nyo, ako’y dati ng manunulat dito sa PSN dalawang dekada na ang nakararaan. Gusto kong umpisahan itong kolum sa lalong madaling panahon.

Ang hindi ko maunawaan ay ang walang habas na patutsadahan nina Pangulong Duterte at Senadora De Lima, masyado silang nagsasayang ng oras at panahon, dapat pagtuunan na lang nila ng pansin ang pangunahing problema ng bansa. Bukas ako sa ginagawa ng pangulo tungkol sa kriminalidad at droga.  Dapat lang na hindi makialam ang CHR at UN sa pagpapatakbo ng pangulo sa bansa, mas binibigyan pa nila ng importansya ang mga kriminal at addict kesa sa ating mga kapulisan na ginagawa lang naman nila ang kanilang tungkulin at napapatay pa yung iba.

Gusto ko ang ginagawa ng pangulo dahil napagtutuunan nya ng pansin ang ating mga pulis at sundalo.   Kung maaalala n’yo na ang pangulo ay nakakuha ng pinakamataas na rating sa SWS noong nakaraang buwan, sa aking palagay ito’y tuloy-tuloy na habang  siya’y  nasa pwesto, sana suportahan na lang natin siya.

Bakit di muna isantabi ang mga kaliwa’t kanang patut­sadahan ng dalawang panig? Para mapagtuunan na nila ng pansin ang pangunahing problema ng ating bansa.  Para sa akin di dapat magbitiw sa puwesto si De Lima dahil siya’y inihalal ng taong bayan. Puwede lang siyang tanggalin sa puwesto by impeachment, kung hindi ako nagkakamali yan ang mahirap na proseso, sayang ang oras natin, sapagkat ang ating mga kababayan ay laging nakadikit sa telebisyon, para silang nanonood ng soap opera. Imbes na gawin nila ang kanilang mga tungkulin, dahil sila’y  inihalal sa kanilang posisyon.  Hindi ba?  Yan ang aking opinion kayo na lang ang humusga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with