^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lipulin!

Pilipino Star Ngayon

NANG matanggap ni Mila Falcasantos na napatay ang kanyang anak na si Pfc. Jison Falca­santos sa pakikipagsagupa sa mga Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu noong Lunes ng hapon, parang nagunaw na ang mundo. Si Jison ang inaasahan niya sa pagtataguyod ng iba pa nitong kapatid.

Bago ang pagkakumpirma sa pagkamatay ng kanyang anak, nagtext pa siya kay Jison ng araw na iyon at kinukumusta niya ang kalagayan nito. Gabi nang may mag-reply sa kanya. Galing ang reply sa cell phone mismo ni Jison na nagsasabing pinugutan na nila ito ng ulo. Sa galit ni Mila, sinagot niya ang message, at sinabihang walang konsensiya ang mga pumugot sa anak. Sagot daw sa kanya, “Talagang wala kaming konsen­siya. Pati ikaw pupugutan din namin.” Tuluyan nang nawalan ng malay si Mila.

Si Pfc. Falcasantos ay isa sa 15 sundalo na napatay ng may 70 Abu Sayyaf na pinamumunuan ni Radulan Sahiron. Nagsagawa ng opensiba ang mga sundalo sa mga bandido bilang pagtalima sa utos ni President Rodrigo Duterte na pulbusin na ang mga ito. Ayon sa report, 21 Abu Sayyaf na ang napapatay ng military mula nang iutos ang opensiba.

Kahapon, dinalaw ni Duterte ang mga nakaburol na sundalo at nangako ng tulong sa mga biyuda. Bibigyan ng trabaho ang mga biyuda at pag-aaralin ang mga anak. Sasagutin umano ni Duterte ang pagpapaaral sa mga anak ng napatay na sundalo.

Sinaluduhan ni Duterte ang mga napatay na sundalo at sinabing sila ang mga tunay na ba­yani. Nagbuwis sila ng buhay para magkaroon ng kapayapaan. Hindi sila natakot na harapin ang mga naghahasik ng kaguluhan.

Sa kabila na may mga napatay na namang sundalo, determinado ang Presidente na wakasan na pamamayagpag ng mga bandido. Kamakalawa, 2,500 troops ang pinadala sa Sulu. Wala nang atrasan ito, ayon sa Presidente. Tuluy-tuloy na ang paglipol sa Abu Sayyaf sa kabila na maaaring magkaroon pa ng casualties.

Naniniwala kami na matatalo ng mabuti ang masasama.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with