^

PSN Opinyon

‘Harapan na lang’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

ISANG TAONG NAG-ABANG, nang bigyan siya ng kopya ng tiket paalis ng bansa peke naman pala.

Ito ang reklamo ni Jocelyn Llanos nang lumapit siya sa amin. May kakilala raw siyang humikayat sa kanyang mag-apply papuntang Saudi.

“Hindi naman ito ang una kong pag-alis kaya nagtiwala ako dahil kakilala ko nga. Taong 2015 kinuha ng isang kaibigaan ang pasaporte ko,” ayon kay Jocelyn.

Ipapadala raw ito sa Manila sa tiyahin nito na nagpapaalis na si Elisa Madrelejos.

Mula Davao lumuwas ng Manila si Jocelyn. Lima silang magkakasama at dun sila dumiretso sa accommodation nina Elisa.

Madalas magtanong si Jocelyn kung kelan ang alis niya dahil ang pangako sa kanila ay tatlong linggo lang makakaalis na sila ng bansa.

“Wala akong kontratang pinirmahan. May bayad pa pala ang pananatili namin sa accommodation. Ang dami kong kamag-anak na pwedeng matuluyan bakit hindi nila agad sinabi?” pahayag ni Jocelyn.

Nagpahatid daw siya sa ahensya kay Erlinda Guimalon na kaibigan ni Elisa. Hindi niya matagalan ang lugar dahil siksikan umano ang mga naroon. Nakitira na lamang muna siya sa kanyang pinsan at ibinilin na tawagan na lang siya o i-text kung may kakailanganin ang ahensya sa kanya.

Kulang na lang mapudpod ang daliri niya sa kakapindot at maubos ang pera niya sa kaka-load pero hintay-hintayin lang daw ang Overseas Employment Certificate (OEC) dahil matagal daw talaga ito.

Pagdating ng Nobyembre 2015 may isinend na tiket sa WhatsApp sa umano’y magiging amo ni Jocelyn sa parlor. Nang kumpirmahin nila wala namang nakalagay kung kelan ang petsa at oras ng flight.

“Pinagtiyagaan kong maghintay. Nung manghingi ng bagong requirements sa ‘kin ipinadala ko kaagad. Dumating pa sa punto na hindi na ako sinasagot ni Erlinda sa mga tawag ko,” wika ni Jocelyn.

Nangako pa raw sa kanila ang mga ito na pagkatapos ng Ramadan ay makakapagtrabaho na siya sa Saudi. Lumaki na ang utang ni Jocelyn sa mga kakilala kaya’t hindi na siya makauwi ng Davao dahil nahihiya siya.

Inutusan pa raw siyang magpunta sa ahensyang World Class at hanapin si Marie Cruz. Pagdating niya dun wala na daw ang sinasabing tao dahil matagal na itong umalis.

“Tinawagan ko si Erlinda pero di sumasagot. Asawa niya ang nakausap ko at sinabing malaking pera daw nakuha sa kanila,” sabi ni Jocelyn.

Nakausap niya rin ang magiging amo niya at sinabi sa kanyang nagbayad na raw ito kina Erlinda. Halos 14,000 Riyals na daw ang nababayad nito.

Para sa isang patas na pamamahayag tinawagan naming sina Elisa at Erlinda. Ayon kay Elisa nasa ahensya daw ang pasaporte ni Jocelyn at mula nang magpunta ito sa ahensya ay hindi niya na ito nakausap.

Nang si Erlinda naman an gaming makausap sinabi nitong si Marie ang may kasalanan ng hindi pagkakaalis ng bansa ni Jocelyn dahil itinakbo raw nito ang pera na ibinayad sa kanila.

Nagsampa na rin daw sila ng kasong ‘Estafa’ laban dito. Ilang ulit na daw silang nakakuha ng OEC pero napapaso lang dahil hindi maaprubahan ang ‘job order’ dahil kay Marie.

Hindi naman daw kilala ni Jocelyn ang binabanggit ng mga itong si Marie at ni minsan ay hindi niya ito nakausap ng personal.

Binigyan namin ng referral si Jocelyn sa tanggapan ni Administrator Hans Leo Cacdac ng Philippine Overseas and Employment Admi­nistration (POEA) upang maipatawag ang World Class ang maliwanagan kung ano talaga ang nangyari sa pag-aapply ni Jocelyn.

Pinayuhan din namin siya na magtungo sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para maipatawag si Erlinda at magkaroon ng imbestigasyon kung sino ang dapat kasuhan at kung kanino talaga nandoon ang pasaporte nitong si Jocelyn.

Pinapunta rin namin si Jocelyn sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa Passport Division upang mai-report ang nangyari sa kanyang pasaporte. Ito ay upang maiwasan na magamit ang kanyang pasaporte kung sino man ang may hawak nito sa iligal na gawain tulad ng baklas passport.

Agad naman siyang inasikaso sa DFA at ikinwento niya ang nangyari. Pinagawa siya ng ‘Affidavit of Loss’ para maideklarang wala sa kanyang mga kamay ang pasaporte.

Ang naunang pasaporte ni Jocelyn ay makakansela para di na ito magamit ng iba at mag-i-issue ng panibagong pasaporte para sa kanya.

“Lahat ng kailangan kong lakarin at suhestyon na sinabi nila ginawa ko. Mahirap na ring magamit sa mali ang pasaporte ko,” sabi ni Jocelyn.

Sumunod namang nagtungo sa POEA sa tanggapan ni Administrator Hans Cacdac si Jocelyn. Tulad ng ginawa niya sa DFA idinetalye niya ang nangyari sa kanya at maging ang pagsesend ng mga ito ng pekeng tiket sa dapat ay magiging amo niya sa Saudi.

Nang maibigay niya ang lahat ng impormasyong hinihingi sa kanya ay nakakuha na rin si Jocelyn ng kopya ng kanyang Overseas Filipino Worker Information. Nakasulat dun na ang posisyon niya ay Household Service at hindi beautician na napag-usapan nila.

Ang ahensyang World Class Career Icons Corporation ang nakasulat na ahensya niya rito sa Pilipinas. May nakalagay na rin kung magkano ang sahod niya at kung sino ang kanyang employer.

Hanggang Pebrero 2016 lang valid ang kanyang OEC kaya’t paso na naman ito ngayon.

“Inaasitehan na ako ng abogado ng POEA para maresolba ang problema ko. Ibinigay ko rin sa kanila ang numero nina Erlinda ngunit hindi naman sumasagot ang mga ito,” salaysay ni Jocelyn.

Malaki raw ang magiging laban niya dito dahil lumabas ang mga impormasyon at naipasok daw ito.

Ipinapatawag na rin ng POEA ang kinatawan ng World Class para sa isang conference.

“Salamat po sa naging tulong ninyo. Gusto ko lang bayaran nila ang pagkakatengga ko dito. Placement fee at ilang danyos sa ginawa nilang pagpapaasa sa ‘kin,” pahayag ni Jocelyn.

Ang abogadong si Atty. Zorayda Sullano ang kasama nila sa conference.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with