^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Madadakma na ang mga ‘ninja cop’

Pilipino Star Ngayon

DALAWANG milyong piso ang reward na ini-offer ni President Rodrigo Duterte sa sinumang makapagtuturo sa mga pulis na sangkot sa illegal na droga o ang mga tinatawag na “ninja cop”. Karaniwang ginagawa ng mga “ninja cop” ay ire-recycle ang shabu na kanilang nakukumpiska sa raid. Ibabalik uli nila sa kalye sa pamamagitan ng kanilang mga “tulak” at limpak ang kanilang kikitain. Huhulihin uli nila ang mga bumili ng shabu at ire-recycle uli.

Sabi ni Duterte sa mga pulis at iba pang uniformed personnel na “inguso” na nila ang mga kasamahan o kaibigan na nagpoprotekta at nagre-recycle ng droga para makolekta ang P2-milyon. Ayon pa kay Duterte, ginawa niya ang panawagang ito para mawasak ang aparato ng drug syndicates na ngayon ay na-infiltrate na ang pulisya, mayor, vice mayor, judges at prose­cutors.

Ilang araw pa lamang nakakaupo si Duterte noong Hunyo 30, agad niyang pinangalanan ang limang police general na protector ng drug syndicates. Matapang na sinabi ni Duterte na nakinabang ang lima sa drug syndicate. Itinanggi naman ng mga general ang akusasyon. Wala raw silang kinalaman sa sinasabi ng Presidente.

Pati mga mayor ay pinangalanan din ni Duterte at ilan sa mga ito ay nagsisuko na at nililinis ang pangalan. Kabilang sa sumuko ay si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na ngayon ay humihingi ng tulong sa PNP sapagkat nanganganib ang buhay. Hindi pa sumusuko ang anak ni Espinosa na umano’y tunay na drug lord.

Ngayong malaki ang pabuya sa mga makapagtuturo sa mga “ninja cop”, inaasahang mada­dakma na ang mga ito at lalong mapapabilis ang paglutas sa illegal drugs sa bansa. Kapag nalipol ang mga “ninja cop” maaaring hindi na abutin ng anim na buwan ang pagsolb sa problema ng illegal drugs. Magiging drug-free country na? Harinawa. Wala nang masisirang kabataan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with