^

PSN Opinyon

Mabilisang hustisya?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISA sa dalawang pulis HPG na kinakasuhan ng murder at robbery ang tumalon mula sa bubong ng Police Security and Protection Group sa Camp Crame noong Sabado ng umaga. Dinala siya sa ospital pero binawian na ng buhay. Suicide ang tingin ng mga imbestigador. Isang araw bago nagpakamatay si PO3 Jeremiah de Villa, panay ang bigkas ng “sorry” sa kanyang pamilya at abogado. Kung saan siya humihingi ng patawad ay hindi malinaw. Nahaharap sa kasong murder at robbery, bukod sa mga administratibong kaso, dahil sa pagpatay ka John Dela Riarte. Alam na natin ang kasong ito at naging mainit na isyu nang maganap ang paghuli at pagpatay kay Dela Riarte.

Hindi natin malalaman ang dahilan kung bakit inisip ni De Villa na mas mabuti na lang ang mawala na sa mundo. Sigurado lahat may opinyon kung bakit. Baka na-guilty sa pagpatay kay Dela Riarte. Baka ayaw harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Masama ang loob sa kanyang sinapit bilang pulis. Ilan lang ito sa mga maaaring dahilan. Ayon kay PAO chief Persida Acosta, sayang at nawala ang pagkakataon magpaliwanag at ipagtanggol ang sarili sa korte si De Villa. Hindi rin ito ang gustong hustisya ng pamilya ni Dela Riarte. Ang katotohanan ang gustong malaman ng pamilya, pati na rin ng publiko. Kaya binabantayan na rin ang kasama niyang si PO2 Jonjie Manon-og.

Natatandaan ko si dating AFP Chief of Staff Gen. Angelo Reyes, na nagpakamatay rin nang maimbestigahan sa Senado hinggil sa katiwalian. Ganun din, hindi natin malalaman ang tunay na dahilan kung bakit inisip na lang tapusin na ang lahat, ika nga. Ang nawala nga ay ang pagkakataong ipagtanggol ang sarili sa korte. Baka nga ayaw nang humarap sa imbestigasyon at apektado na ang pangalan at karangalan.

Sayang nga, at nawala ang pagkakataong magpaliwanag sa tamang pamamaraan. Mabuti pa nga at dumadaan sila sa proseso. Marami ngayon ay hindi na nabibigyan ng pagkakataong magpaliwanag at bala na lang ang katapat. Hindi na dumadaan sa tamang proseso at hinatulan na lang basta-basta. Iba na nga talaga ang panahon ngayon. Mabilisang hustisya, ayon sa kasalukuyang administrasyon, ang sagot sa lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with