^

PSN Opinyon

‘Sindikato sa Laguna lake’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

DEKADA nang problema ang Laguna lake.

Mistulang septic tank ng mga dumi mula sa mga pabrika at mga kabahayang nakapaligid dito.

Panahon pa ni dating Pres. Gloria Arroyo, nagkalat na ang mga fish pen sa Laguna lake. Sa termino ni Pres. Be­nigno Aquino III lalo pa itong lumala. Walang ginawa sa problema sa loob ng anim na taon.

Tanging si Pres. Rodrigo Duterte lang ang presidenteng umupak sa mga salot na ekta-ektaryang fish pen sa Laguna lake.

Sinakop na kasi ng mga nagmamay-ari ng korporasyon ang lawa. Ang mga pobreng maliliit na mangingisda, ‘tyaga nalang sa mga tira. Isa sa mga itinuturong dahilan ng problema ang pagbibigay ng permit ng Laguna Lake Development Authority.

Mismong si General Manager Nereus Acosta na ang nagsabi, karamihan sa 400 naka-rehistrong may ari ng fish pen sa LLDA “dummy” lang ng mga Koreano at Tsinong negosyante. Aminado rin ang ahensya, hirap silang paalisin ang mga fish pen operator sa Laguna lake dahil may inis­yung lisensya sa kanila.

Noong 2006, inilantad ng BITAG sa telebisyon ang problemang ito. Pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga ma­ngilan-ngilang nagmamay-ari ng mga baklad. Mala­laking korporasyon ang nasa likod ng mga fish pen noon. Mga gobernador, kongresman, mayor, heneral ng AFP at PNP ang karamihan sa kanila. Ganito rin ang sinabi ni Pres. Duterte noong July 25 sa kanyang SONA.

Malaking hamon ngayon kay DENR Sec. Gina Lopez na linisin ang Laguna lake. Marching order ng presidente, gibain ang mga ekta-ektaryang fish pen. Hangga’t hindi sinusuri ng kalihim ang listahan ng LLDA ng mga dummy ng naglalakihang korporasyon hindi malulutas ang kasalukuyang problema sa Laguna lake.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with