^

PSN Opinyon

Mapangamba

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI raw totoo na kinukunsinti ng gobyerno ang mga abusadong pulis. Ito ang pahayag ni Salvador Panelo, chief presidential legal counsel. Sa totoo nga, seryoso ang gobyerno sa pagsampa ng kaso laban sa mga abusadong pulis, o mga pulis na sangkot sa iligal na aktibidad. Binanggit ang pagsampa ng kaso laban sa dalawang pulis Pasay sa pagpatay sa mag-amang Bertes. Kapag may ebidensiya ng pang-aabuso, hinihikayat ang mga biktima na magtungo sa stasyon ng pulis para ipaalam ang pang-aabuso. Pero hindi ba sa istasyon ng pulis napatay ang mag-amang Bertes? Baka naman dapat sa NBI o sa CHR magtungo ang mga biktima.

Sa dami na ng mga napapatay sa kasalukuyang operasyon ng administrasyon laban sa ilegal na droga, lumalabas na ang ilang mga insidenteng pang-aabuso ng mga pulis. Sa pagdinig sa Senado sa “extrajudicial killings”, lumutang ang ilang kamag-anak ng mga nabiktima ng pang-aabuso, o kung saan sangkot din umano ang mga pulis sa kriminal na aktibidad.

Pinupuri ko at ikinatutuwa na nililinis ng PNP ang hanay nila mula sa mga tinatawag na “scalawags”, o mga hindi kanais-nais na pulis. Mga sangkot sa kriminal na aktibidad kung saan ginagamit ang posisyon para sa krimen. Ilan na rin ang sinibak sa puwesto, sinuspindi o di kaya ay nilipat sa ibang lugar. Ito nga ang dapat munang gawin ng PNP, linisin ang hanay nila. Hindi rin nakakatulong ang pahayag ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na mas mabuting buhay ang mga pulis, at bahala na ang mga kaso. Hindi ba kaya nga may kaso ay dahil may insidente ng pang-aabuso? Okay lang ba na patay na ang mga biktima basta buhay pa ang pulis, kahit sila ang may sala, tulad ng kaso ng mag-amang Bertes at ang mag-asawang pinatay sa Antipolo? Paano pala kung walang kasalanan ang mga pinatay na biktima? Wala bang halaga ang buhay nila?

Hindi puwedeng magkaroon ng alinlangan sa pagitan ng publiko at ng PNP. Sa panahon ngayon, madikit lang ang salitang “droga” sa pangalan mo, kahit hindi totoo, halos patay ka na. Ganito ang sitwasyon ngayon. Mapangamba, sa totoo lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with